Sa kasalukuyan, talagang umiiral na sa modernong pamamaraan sa lahat ng bagay.

Paunti- unti ay nagbabago na an gating pamamaraan maaaring sa pamimili ng gamit, damit o kahit pagkain pa iyan.

Madami nang online apps ang pwedeng i-download at kaunting click lang ay pwede na itong maideliver.

Ngunit totoong tao pa din ang nagbibigay serbisyo sa likod ng mga ito. sila ang mga gumagawa ng mga bagay na dapat ikaw na lang sana.

Maaaring sabihin na binabayaran mo ang serbisyo nila ngunit hindi ang buong pagkatao nila.

Kagaya na lamang ng isang nakakapag init ulo na customer na ito na kung saan sinalbahe ang isang Food Panda Rider dahil lamang nainip ito sa kaniyang order. Umabot sa 800 pesos ang kaniyang kabuuang order sa Chowking at ito ay inabonohan pa ng rider.

Ngunit nang dumating na ang order ay saka ito kinancel ng customer na nakilala bilang si Mary Paras. Nagmakaawa pa ang rider na tanggapin ito ng customer dahil na nga malaki din ang inabono nito sa order.

Ngunit mariin na tumanggi si Paras at ang masaklap pa ay sinaboy nito ang pagkain sa Food Panda Rider.

Sa kabilang banda, narito ang paliwanag ni Mary Paras.

“Good Eve sa lahat nag nag comment sa Food Panda Hindi ko po intension na manloko ng Tao higit na sa panahon Ito. Magcocomment nalang din po ako kasi nasasaktan na din ako sa mga sinasabi ng mga Tao.

Kaya po eh explain ko po Yung nangyari noong una nag order ako pero nagloloading po at matagal yung net at data sa app, di ko po namalayan na naorder na pala iyon at na-dalawa na pala yung order ko.

Noong dumating ang inorder po namin may tumawag ulit di ko nalang pinansin dahil dumating na Yung order.

Kung may mali po ako nanghihingi po ako ng pasensya sa Rider, kinontak ko na po siya at handa po akong magbayad sa kanyang pinang abono at nagpapasalamat din po ako sa nagpost po nito para mabigyang linaw ang lahat.”

Gayun pa man, hindi pa din yata makatarungan na halos apak- apakan mo na ang taong walang ginawa kung hindi magtrabaho ng marangal dahil lamang nainip ka. Laging tatandaan na mahalaga pa din ang nararamdaman ng ibang tao kahit gaano ka pa kagalit.