Ang regalo ay isa sa simbolo ng pagmamahal mo sa isang tao ngunit hindi naman nangangahulugan na dapat ay sa materyales mo lang ibabase ang iyong nararamdaman.

Natural lamang sa magkasintahan maging mag asawa ang magpalitan ng mga regalo. Hindi na mahalaga kung ito ay mamahalin o hindi basta’t itoý galing sa pusø.

Ang misis na si Christine Luarca ay pabirong nagparinig sa kaniyang FB post na sinasabing “IPHONE 11 PRO MAX LANG PO” ngunit agad naman itong pinansin ng kaniyang mister na si Alfhie Vilela na kung saan aakalaing nagbibiro lamang din siya at sinasakyan ang trip ng kaniyang asawa.


Mababasa sa comment section na tinanong nito ang espesipikong nais na iPhone 11 PRO MAX at pinapunta sa Robinson Manila.

Sagot naman ni Christine, kapag daw ito ay hindi tinotoo ni Alfhie ay mawawalan na ito ng anak sa kaniya. Depensa naman ni Alfhie na kapag tinupad nito ang hiling ay aanakan muli ito ng isa pa kapalit ng cellphone na inaasam.

Madaming netizens ang napa “sana all” nanaman sa post na ito.kaya naman, kaniya kaniyang mention at tag na sila sa kanilang mga mister nagbabaka sakali na kaparehong senaryo ang mangyari kung gagawin nila ito.

Gayon pa man, hindi saying ang pera kung dahil naman sap ag mamahal talaga.