Tunay naman talagang nakabibilib ang mga taong masisipag at may determinasyon sa buhay.

Kahit na kasi sa kabila ng katayuan at kahirapan sa buhay ay hindi nagiging hadlang sa kanila ito upang tumigil sa kanilang mga pangarap.

Katulad na lang ng nagviral na ito na isang service crew sa isang sikat na fastfood chain na Jolibee kung saan ang kanyang kasipagan sa trabaho at hindi lamang yan kundi pati na rin sa kanyang pag-aaral.

Dahil bukod sa kanyang pagiging masipag sa trabaho para kumita ng pera ay pinagkakasya niya ang kanyang maiksing breaktime para maka-attend sa kanilang online class.

Ang kwentong ito ay ibinahagi ng netizen na si Tristan Nodalo kung saan makikita ang isang service crew na kinilala na si Jan Dominique Agravante isa ding graduating student na habang naka-breaktime imbis na siya ay kumain ginagamit niya ang oras na iyon para makasali sa kanilang online class.

Napag-alaman namin na ang kinukuhang kurso ni Agravante ay Business Administration Major in Marketing Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Marikina.

Taong 2016 pa ay isa ng working student si Agravante upang masuportahan ang kanyang pag-aaral at para narin makatulong sa kanyang mga magulang at kumit ng extra income kaya siya ay pumasok bilang isang service crew sa Jollibee.

Ayon naman kay Agravante ay kahit papaano na may pandemiya ay naging pabor din sa kanya ang pagkakaroon ng online class para mapagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho.

Dahil kung noon ay kailangan niyang magmadali mula sa kanyang trabaho patungo sa kanilang eskwela ay ngayon mas madali na dahil sa online class at hindi niya na kailangan pang magmadali.

Dagdag pa nito na ang ginagawa niya kapag may schedule sila ng online class ay nagpapaalam siya na magbe-break para siya ay maka-attend dito.

Bilib naman sa kanyang ang isa niyang katrabaho at nakakainspire daw ang kasipagan nito.

“Everytime na umaattend ka ng online class na naka uniform ka, sobra kaming ginanahang mag tropa. Sobrang nakaka proud kasi kahit walang maayos na table and internet connection gumagawa ka parin ng way” .

Kahit na daw walang maayos na upuan at lamesa ay ayos lamang sa kanya at kahit na sa stockroom lang at sa sahig ay gumagawa daw ito ng paraan para lamang maka-attend sa kanyang pag-aaral.

Nakakatuwa naman talaga at nakakabilib ang kasipagan ni Agravante at siya ay isa sa mga dapat tularan ng mga kabataan na sa kabila ng kahirapan ay hindi sumusuko sa kanilang pangarap.

LOOK: Jan Dominique Agravante was spotted by her co-worker in an online class during her break in a fastfood chain last…

Posted by Tristan Nodalo on Friday, September 4, 2020

Narito naman ang ibang komento ng netizen.

“Saludo ! Sana ay balang araw ikaw na ang may-ari ng isang fastfood chain, Godbless you and keep it up”

“You go girl! An inspiration! God bless you always”

“Wala talagang makakapigil sa masipag”