Ang pagmamahal ng isang magulang, kailan man ay hindi mapapantayan. Ngunit minsan ay talaga nga namang tadhana at kapalaran na ang pumipigil upang magampanan ng maayos ang mga responsibilidad.

Kagaya ng kahirapan, gustuhin mo mang ibigay ang mga kagustuhan ng iyong anak ngunit hindi puwede pagkat kinakailangan niyong unahin ang pangangailangan bago ang luho.

Ngunit nakakabilib nga naman ang isang truck driver na si Edwin Bayson ng Carmona town sa Cavite na kung saan nag doble kayod upang makaipon ng perang pambili ng smartphone para sa graduation ng kaniyang anak na si Derwin.

Sa edad niyang 50 taong gulang, hirap na din siya sa pagtatrabaho. Inabot siya ng apat na buwan upang maipon ang kabuuang pambili na nagkakahalaga ng ₱5,600.

“Sobra akong natuwa kasi matagal nang walang cellphone ‘yung anak ko, siguro mga anim na taon na wala talaga siyang cellphone kaya sabi ko noon, “pagiipunan ko anak ko para kahit anong cellphone mabili ko.” Napakasaya ng pakiramdam,” saad ni Edwin.

Nakapagtapos ng two-year applied engineering course si Derwin at hilig din daw ang mag gawa ng mga video vlogs gamit ang mga cellphone ng kaibigan.

Kaya naman bilang regalo, sinikap talaga ni Tatay Edwin na bilan ito ng sariling cellphone upang hindi na ito mahirapan sa kaniyang hilig at madali na silang magkakahanapan sa tuwing sila ay hindi magkasama.

LOOK: A truck driver in Cavite who worked hard to save money and buy a cellphone as graduation gift for his son warms…

Posted by Rex Remitio on Sunday, June 14, 2020