Sa buhay, may kaniya- kaniyang diskarte nga naman tayo kung paano tayo makakaangat sa buhay at matutupad an gating mga pangarap.

Ka -akibat nito ay ang pagtatiyaga at pagsisipag sa pagkayod. Sa kahit anong paraan ng trabaho o negosyo, basta’t marangal ay hindi dapat ikinakahiya

Malay mo, ang negosyo pala na pinagtatawanan at minamaliit ng iba ay siyang mag aangat sa iyong kalugmukan at magiging tulay sa pinapangarap mong buhay.

Kagaya na lamang ng Owner at Founder ng Eonni Kat Boutique na si Catherine Aman. Ibinahagi niya sa kanilang Facebook page ang kaniyang naging tagumpay at kung paano binagot ng negosyong ukay- ukay ang kaniyang buhay.

Labis ang pasasalamat niya sa Diyos sa biyayang kaniyang natanggap at sa wakas ay nagbunga na ang kaniyang paghihirap.

Higit pa daw sa kaniyang ipinalangin ang kaniyang natanggap. Gaya ng iba, kinakailangan niya muna dumanas ng hirap bago ang sarap.

Sinabi niyang naging motibasyon niya ang kaniyang anak kahit pa hirap na hirap itong maghanap ng kaniyang mga ibebenta sa ukay.

Sinabi niya din na sa mga kagaya niyang nagnenegosyo o nagsisimula pa lamang na huwag mawalan ng pag- asa at huwag susuko pagkat walang imposible.

Narito ang kaniyang buong caption:

Salamat Ukay Ukay.

Lord, salamat hindi ko alam kung bakit mo ‘to pinaparanas sakin, pero sobrang nagapapasalamat po ako dahil nagbunga na po lahat ng paghihirap namin.

Salamat po sa binigay niyo saakin na kalakasan ng loob. Sobrang dami niyo sakin pinaranas pero ito pala ang plano mo. Maraming salamat Lord.

 

Kaya pala pinaransan mo saakin dati ang buhay na walang wala para magsumikap ako. Salamat Lord kasi naging stepping stone ko ang pagtitinda ng ukay. Salamat kasi pinakilala mo sakin ang ukay ukay.

Mga panahong nauulanan ako, nagkakasakit ako sa kakahanap ng kalakal (retail days), sobrang hirap dati pero nagtiis ako nag tiyaga ako, naging motivation ko ang anak ko dahil mahirap ako at gusto ko masuportahan ang anak ko sa lahat ng pangangailangan niya.

Sabi ko dati sa Diyos pang gatas lang sapat na. Pero sobra sobra naman ‘to. Kaya sobrang thankfuk ko talaga. Grabe naiiyak ako hanang tina-type ko ‘to.

Pero yun nga, kung nasaan man kayong linya ng pagnenegosyo tandaan niyo na walang mahirap sa taong mahirap na nagsisikap.

Wag kayo susuko, bangon lang, kilos lang, wag mawawalan ng pag asa kapit lang. Sa negosyo, hindi ka kikita kung hindi mo sisipagan at hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.

Pinakita ko ‘to sainyo hindi para magyabang, pinakita ko ‘to para maniwala kayo na walang imposible sa buhay, na pwede pala natin matupad ang mga pangarap natin basta magsikap lang tayo.

Salamat Ukay Ukay. 😭🙏🏻❤️Lord, salamat hindi ko alam kung bakit mo ‘to pinaparanas sakin, pero sobrang nagapapasalamat…

Posted by Eonni Kat Boutique on Saturday, August 8, 2020