Sinasabi na ang mga tao daw ay nag mula sa mga unggoy na gawa ng ebolusyon nito. samantala, ang mga hayop daw ay isa sa nilalang ng Diyos na may sariling isip din ngunit hindi kasing talino ng tao.

Ngunit masasabi mo ba iyan matapos mong mabasa ang kwentong ito?

Isang unggoy ang nag nakaw ng isang smartphone sa lalaking mahimbing ang tulog at nag selfie lang naman gamit ang ninakaw na telepono.

Ikinuweno ng netizen na si Zackrydz sa kaniyang Twitter account nito lamang Setyembre 13 nang nawala ang kaniyang cellphone.

Sa pagkakaalala niya ay naroon pa iyon bago siya matulog ngunit bigla na lamang nag laho nang siya ay magising.

Hinagilap niya sa kanilang buong bahay maging sa mga sulok sulok ang naturang cellphone ngunit wala ito. Wala rin silang makitang bakas ng pag nanakaw pagkat cellphone lang naman ang nawala at hindi ang mahahalagang gamit sa bahay.

Nagpatulong siya sa kaniyang kapatid upang hanapin ito. gumamit sila ng isang app upang matanto ang cellphone ngunit hindi sila nagtagumpay.

Laking gulat nila nang bigla na lamang lumabas ang mga larawan mula sa kaniyang cellphone na nakalink sa kaniyang account.

Makikita ang unggoy na tila siyang siya pa sa pagkuha ng larawan sa sarili. Hindi man naibalik ang cellphone ni Zackrydz, nagbigay naman ito ng katatawanan sa kanila maging sa mga netizens na nakakita.