Hindi na napigilang magtimpi ng galit ang mga netizens sa ginawang panlaladi umano ni Xian Gaza sa misis ng aktor ng GMA network na si Buboy Villar.

Sari-saring komento ang binato ng mga netizens kay Xian dahil sa ginawa nito na halatang sinusubukang landiin ang asawa ng aktor na si Angilyn Gores.

Matatandaan na napag-usapan ang pangalang Xian Gaza noon matapos yayain nito ang aktres na si Erich Gonzales ng isang coffee date sa pamamaligitan ng isang imbitasyon sa isang billboard sa Morayta.

At noong panahon din yon na naging maingay at binansagan si Xian na “Pambansang Scammer” ng maraming Pilipino.

Samantala, si Xian pa mismo ang nagbahagi ng ilang screenshot na naging conversation umano nila ni Angilyn at kung paano nito tinatanong ng ilang bagay ang asawa ng aktor.

Nilagyan niya rin ito ng caption na “Breaking News:”Social Media Hokage XIan Gaza, Nilandi ang Asawa ng isang Aktor… Soplak!!”

 

Makikita din sa kanilang conversation na si Xian ang unang nagpadala ng mensahe sa asawa ni Buboy at tinatanong umano nito kung bagay ba daw sa kanyang ang suot niyang cap at damit.

Sinagot naman nito ni Angilyn at sinabing okay naman daw ang soot nito. Pagkatapos noon ay sinabi rin umano ni Angilyn na may ipapadala rin daw siyang larawan kay Xian kung saan makikita sa ipinadala nitong larawan kay Xian ay ang mister niyang si Buboy na naka middle finger pose.

Dahil sa pangyayaring ito ay galit na galit ang mga netizens kay Xian na tila harapan-harapang pambabastos daw ang ginagawa ni Xian sa aktor na si Buboy.

Alam ng marami na masayang-masaya si Buboy sa kanyang lumalaking pamilya at siya ay kuntento na sa simpleng buhay na ito.

Kung kaya naman hindi magandang ipinapakita sa pubiliko ng isang tao tulad ni Xian ang ginagawa nito sa isang magandang relasyon ng mag-asawa na maaring makasira o magdulot ng lamat sa isang masayang relasyon.

Sari-sari naman ang natanggap ni Xian sa mga netizens na mga salita dahil sa ginawa nitong pambabastos at marami din nagsasabii na siya ay isang Scammer dahil marami daw mga taong nagrereklamo sa kanya patungkol sa mga pera nito.

Ngunit ano man ang totoo tungkol sa kanyang mga kayamanan scammer man o hindi ay hindi parin tama ang ginawa niyang ito sa mag-asawang Buboy at Angilyn.

Souce: Juan Tambayan