Naantig ang puso ng mga netizen sa social media matapos nilang mabasa ang tungkol sa isang padre de pamilya na humihingi ng pasensya sa kaniyang mga anak dahil sa nakayanan niya na tanging itlog, tsitsirya at kamatis ang kanilang ulam sa kadahilanang hindi pa siya sumusweldo.

Narito mismo ang pahayag ng isang ama ayon sa isang Facebook page na Trending Viral.

“Mga anak, pag-pasensiyahan n’yo muna ang hinapag ko ngayong Lunes. Hindi sumuweldo ang tatay n’yo, mahina ang pasada,”

Dagdag pa nang Ama na para ganahan daw ang kanyang mga anak ay isipin na lang na ang mga pagkain na ito ay galing ibang bansa, tulad ng “itlog ng dinosaur” (itlog na pula) ang isa naman ay “salmon fish” (tsitsirya) at ang kamatis daw ay galing canada.

“‘Wag nyo na lang papansinin mag-kulubot na lang kayo para ‘di gugulo ang bulati n’yo sa stomach hahahhahahaa. senya na sa mga post ku.puro katotohanan yan. STAY SAFE.” dagdag ng Padre de pamilya.

Agad-agad naman nagviral ang nasabing post na ito, ngayon ay umaabot na ito ng 3,100 na reaksyon , 1,000 shares at marami din mga netizen na nagpapaabot ng positibong komento kay Tatay.

“Laban lang ‘tay, pasasaan pa at makakaraos din tayong lahat, ‘wag lang bumitaw kay Papa God.”

“Tiwala lang tay, magiging maayos ang lahat basta ipagpasalamat natin maliitan o malaki ang ating nasa harapan. May plano po ang Mahal na Panginoon sa atin. Dasal lang po”

Lahat ng magulang ay kayang gawin para lang sa kanilang mga anak handang magtrabaho buong araw , kayang mag tiis ng gutom may maibigay lang ang mga anak. “Saludo kami sayo Tatay, Mabuhay po Kayo”.