Ikinatuwa ng mga netizens ang isang kwento ng mag-ama na nakatira sa General Santos City, Ibanahagi kasi ng isang Tatay ang kwentong nakakatuwa nga raw ngunit medyo nakakainis na ginawa ng kanyang bibong anak na limang taong gulang pa lamang matapos nitong hiramin ang kanyang cellphone.

Samantala, ilang minuto lamang ang nakalilipas matapos hiramin ng kanyang anak ang cellphone ay may pumarada ng food delivery rider mula sa Food Panda hanggang sa may kumakatok na sa kanilang pinto at hinahanap siya.

Ayon sa Tatay na si Mr. Angelito Respecia, Naisip niyang ibahagi social media ang nakakatuwang kwento na ginawa ng kanyang bibong anak. Ngunit hindi niya akalain na ito ay magva-viral at kagigiliwan ng mga netizens.

Ang naturang post ni Tatay Angelito ay may caption na:

“When he borrowed your phone and suddely food panda came knocking at your door” , Sa ngayon ang naturang post ni Tatay Angelito ay mayroon nang 27,000 reactions at 18,000 shares.

Patuloy pang kwento ni Tatay Angelito ay nagpaalam daw ang kanyang anak na hihiramin muna sandali ang kanyang cellphone ang naisip lang daw ni Tatay Angelito ay paglalaruan lamang ito ng kanyang anak.

Ngunit hindi niya lubos maisip na oorder na pala ito sa isang food delivery site mula sa Zger`s Lutong Bahay-Heights.

Ilang sandali pa nga lang ay inihatid na ng delivery rider ang mga pagkain sa kanilang bahay at wala ng nagawa pa si Tatay Angelito kundi bayaran ang lahat ng inorder ng kanyang anak na nagkakahalaga ng P1,147.90.

Ilan sa mga inorder ng kanyang anak ay ang pancit, chicken meals at karamihan ay mga drinks. Ayon naman kay Tatay ay nakakaawa naman ang delivery rider kung kanya itong tatanggihan at hindi babayaran.

Mabuti na lamang ay nagawa ng paslit na piliin at gamitin ang discount voucher at kahit papaano ay nabawasan ang babayaran ng kanyang ama.

Dahil naman sa kwento na ito ay maraming mga netizens ang natuwa sa batang bibo na tingin nila ay nacurious lang daw at natakanm ang bata ng makita nito ang mga larawan ng pagkain sa social media.

Marami naman ang mga natuwang netizens na nagpaabot ng ibat-ibang magagadang komento tungkol sa mag-ama.

“Buti may discount sa voucher at least bkasave daw si daddy. Mautak si kid hahahaha anyway, sana nkadisabled apps nyo if di naman ginagamit pra di mabuksan ng mga anak nyo ung mga apps na hindi dapat para sa kanila.”

“Yung ang dami ng inorder ng baby boy mo tapos dalawa lang kayong kakain. HAHAHA Enjoy your food baby boy”.

“Pero ayos na yan kaysa sa mga bata na kinukuha phone ng parents nila para bumili ng mga kung anong anong game cash”.

“This is just a worse as a kid in Britain na nilimas ang bank account ng nanay sa mga in-app purchases ng kanahuhumalingang mobile games”.

“Sorry baby boy, next time wag basta pindot ng pindot ha? Hayaan mo visit ka namin at para puede kang mamili kung ano pa ang gusto mo kay Zger… ang cute cute mo talaga at napili mo c zger’s lutong bahay sa uulitin..thank you din sa mabait na mommy at daddy mo..stay blessed and safe.”

Simula kasi ng ideklara ang l0ckd0wn dahil sa pandemiya dulot ng C0’VID ay naglipana o dumami na ang mga online sellers at delivery service lalo na pag dating sa mga pagkain.

Dahil dito patok na patok talaga ang mga delivery service dahil sa pagpapatigil ng mga transportasyon pangpubiliko.

Kaya lang ay may mga pangyayari din na maraming mga delivery riders ang naloloko at nabibiktima ng ilang mga kababayan natin walang mabuting magawa kundi umorder ng marami at hindi babayaran at ika-cancel na lamang.

Kaya naman bilib din kami sa Tatay ng batang ito na imbis na magalit o hindi bayaran ang delivery riders ay ginawa niya ang tama at ikabubuti ng lahat kung saan parehas silang makikinabangan at nakakatuwa din na naiintindihan niya ang deliver riders na namumuhunan lang din at alam nitong ikalulugi ito ng delivery rider kung hindi niya ito babayaran.