Lahat nga naman ay gagawin mo para sa kinabukasan ng iyong pamilya. Kagaya na lamang ng ating mg bayaning OFW na kung saan isinasakripisyo ang kanilang sarili dahil iilan lamang ang nabibigyan ng ganitong oportunidad.

Bilang kapwa Pilipino, mahirap at masakit para sa atin ang makita ang mga balita patungkol sa ating mga kababayan sa ibang bansa na minåmaltråto ng kanilang amo.

Isa ang lahing Arabo sa mga mahihigpit na amo. Ngunit ang pamilyang Arabo na ito ay nag viral sa social media na kumakain sila sa iisang lamesa kasama ng kanilang mga empleyadong Filipina.

Ito ay ibinahagi ng I Love Natividad sa kanilang Facebook page. Sila ay masayang kumakain kasama ng kanilang boss at pamilya nito natila ay tinuturing talaga silang isa na sa mga miyembro.

Makikitang nasa mabuti silang pangangalaga dahil pinapakain sila ng mga pagkaing hindi naman nila karaniwang kinakain.

Higit pa doon, hindi bakas sa kanilang mukha ang sama ng loob bagkus ang saya sa kanilang pagsisilbi sa kanilang amo.

Madaming netizens ang natuwa sa viral video na ito. Tunay ngang hindi dapat natin lahatin ang makikita nating masama o kamalian sa iba pagkat mayroon pa ding mga lahi na kagaya man nila ngunit may busilak na puso pa din para kapwa.