Halos lahat nga tao ngayon sa mundo ay gumagamit na ng internet o social media lalo na ngayon panahon ng pandemiya.

Para maiwasan ang pagkakaroon ng physical contact malaki ang tulong ng internet para magkaroon ng komunikasyon sa iba na hindi na kailangan pang lumabas ng bahay o pumunta kung saan.

Walang pinipiling edad ang social media o internet mapa matanda man o bata, Kaya naman kailan lang ay usap-usapan ang isang batang 9-taong gulang tubong Negros Occidental nang magpost ito sa kanyang personal account na Facebook ng kanyang munting selebrasyon sa pagkakaroon niya ng 2 subscriber sa kanyang Youtube Channel.

Makikita sa larawan ng kanyang post ang isang bote ng softdrinks, french fires at chicken fillet ng isang sikat na fastfood dito sa bansa at isang maliit na cupcake na may kandila.

Agad nagviral ang post ng batang ito na kinilalang si Mary Grace Escober marami ang naantig sa munting post na ito ng batang si Mary Grace dahil sa mura niyang edad ay nagpapakita na siya nang pagiging kunteto dahil ang ginawa niya ay simbolo ng pasasalamat sa maliit na bagay na mayroon siya.

Sa ngayon ay umaabot na ng halos 350,00+ views ang kanyang mga video sa kanyang Youtube Channel. mapapanood sa isa (1) sa kanyang apat (4) na video ang isang tour sa bagong bahay na ginagawa kung saan mapapansin na ang batang si Mary ay manghang-mangha sa aircon at pag-akyat sa bubungan kung saan nais niyang mamitas ng bunga ng mangga.

Happy 2 subsciberSubscribe to my channel https://m.youtube.com/channel/UCPKPlPJjnvYLbXU32NThAvAthank you so much…

Posted by Mary Grace Escober on Sunday, October 11, 2020

Mapapansin niyo rin sa kanyang mga vlog ang salitang “Char” na kanya laging binabanggit na ang ibig sabihin ay “Joke”, magaling din si Mary na magsalita ng kanilang dayalekto sa probinsya na Hiligaynon. dagdag pa dito na ang tawag ni Mary sa kanyang mga tagapanood ay “Mga Bes ko”.

Sa Vlog naman na ito na inyong mapapanood ay maririnig at makikitang nagpapasalamat ang batang si Mary sa 40 na taong nag-subscribed sa kanya.

Marami ang mga Netizen na naantig kay Mary maging ang mga kilalang Youtubers at ilang News agency ay gumawa ng mga artikulo at balita tungkol sa kanya. Dahil sa pagtutulungan ng lahat kamangha-mangha na wala pang isang araw ay umabot na sa “120K + counting” na ang kanyang mga subscribers sa kanyang Youtube Channel”

Sana`y magpatuloy lang si Mary sa kanyang pangarap at maging inspirasyon sana siya sa ibang bata na huwag mawalan ng pag-asa at matutong makunteto kung anong meron tayo.