Naging emosyonal ang isang bata na ito matapos siyang makatanggap ng munting regalo mula sa isang mantadang lalaki na may-ari ng isang sasakyan na nabangga mismo ng bata ng hindi sinasadya.

Nabangga umano ng bata ang sasakyan ng isang matandang lalaki sa dahilang walang preno ang bisekleta nito at luma na kaya naman sobrang takot ang naramdaman niya matapos niyang makadisgrasya ng isang saksakyan.

Ngunit ikinagulat ng batang lalaki na sa halip na magalit ang may-ari ng sasakyan ay tinulungan pa siya nito at niregaluhan ng bagong bisekleta.

Dahil dito maraming mga tao ang pumuri sa ginawa ng matandang lalaki na may-ari ng sasakyan ang pangyayaring ito ay naganap sa bansang Turkey.

Kahit hindi ligtas ang batang ito sa pagsakay sa kaniyang lumang bisekleta ay wala namang magawa ang kanyang mga magulang dahil wala silang pera para bumili ng bago o pampagawa man lang sa sirang preno.

Kaya naman dahil dito ay hindi talaga maiiwasan na maaksidente ang bata o kaya naman ay makadisgrasya ng iba.

Nangmangyari ang insidente na masagasaan ng bata ang sasakyang ng isang matandang lalaki, nalaman din ng may-ari ng sasakyan kung bakit siya nabanggang batang lalaki dahil nga ito ay sa kalumaan ng bisekleta at may sira pa.

Kaya naman hindi na niya ito pinagbayad pa at hindi narin kinasuhan ang mga magulang nito.

Dahil dito naisipan ng matandang lalaki na ipatawag ulit ang bata na sa kanya ay nakabangga para personal na iabot ang munting regalo nitong bagong bisikleta.

Laking pasasalamat naman ng batang lalaki dahil mabait at matulungin ang kanyang nabangga, sa halip na siya ay pahirapan at ang kanyang magulang ay ito pa mismo ang gumawa ng paraan upang maging ligtas siya sa kalsada sa bago niyang bisekleta.

Tunay nga na hanggang ngayon ay may mga tao parin na busilak ang puso at tumutulong na bukal sa kanilang loob. Sana ay mas maging marami pa ang mga tao na may mabubuting puso at matulungin sa kapwa lalo na sa mga taong lubos na nangangailangan.