Masakit mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung ito ay napalapit ng husto sayo. Pero paano kaya ang mga bata na pawang inosente pa at mura ang pagiisip hindi pa nila naiintindihan ang nangyayari at hindi pa nila nararamdaman ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay.

Paniguradong magiging masakit na sila ay habang nalaki at nagkakaedad ay unti-unti nilang mararamdaman ang sakit na mawalan ng mahal sa buhay lalo na kung ito ay ang mismong magulang mo.

Sa ganitong sitwasyon ay dapat may mga taong malapit sa kanila na dapat gumabay at sumuporta para mabawasan ang kanilang [email protected] at hirap na nararanasan at para kahit papaano ay maramdaman nila na hindi sila nag-iisa.

Kailan lang ay may isang babae na nagbahagi ng isang larawan na talaga naman kumurot sa mga dibdib ng mga nakakita at nakabasa nito.

Makikita sa larawan ang isang batang lalaki na nasa tabi ng kanyang pumanaw na ina.

Itong larawan na ito ay nagpaluha ng maraming Pilipino na ramdam na ramdam ang sakit sa puso na dala ng bata habang naka titig sa kabaong ng kanyang mahal na Ina.

Mas lalong nagpaiyak sa marami matapos sabihin ng bata sa kanyang ina na “Bakit hindi ka na natutulog sa tabi ko?”.

Napakasakit naman talaga marinig ang mga salitang yon na galing sa isang batang na pawang inosente pa at wala pang kamalay-malay sa mga nangyayari sa kanyang kapaligiran lalo na sa kanyang edad na sa magulang lang umaasa.

Makikita ang bata na ito na nakatungtong sa isang silya habang yakap-yakap ang kabaong kung saan nakahimlay ang kanyang Ina. Tila sinusulit na niya ang mga araw na nakikita pa niya ang kaniyang Ina.

Kaya naman habang nakakasama at nariyan pa ang ating magulang ay ipakita natin sa kanila na mahal na mahal natin sila at habang may pagkakataon pa ay magpasalamat tayo sa kanila dahil kung wala sila ay wala din tayo.

Lalo na ang ating Ina dahil sila ang ilaw ng tahanan at lahat lahat ay gagawin nila para lang maging maayos ang kanilang anak. Silanang kauna-unahang babae na totoong nagmamahal sa atin at sila din ang numero unong supporter natin sa ating mga pangarap.