Hindi nga naman natin maikakaila na mayroong mga pinanganak na mayaman ngunit hindi nabiyayaan ng nakahuhumaling na hitsura ngunit mayroon din namang mga tao na hindi man biniyayaan ng pera, ay nakahuhumaling naman ang hitsura.

Madalas panggigilan ang mga bata dahil sa “cuteness overload” ng mga ito. Minsan pa ay bata pa lamang, makikita mo na ang kalalabasan ng kaniyang hitsura kapag siya ay nag dalaga o binata na.

Ibinahagi ng isang netizen na si Honney RJ Balasabas ang larawan ng isang napaka gandang batang nag bebenta ng sampaguita sa lansangan.

Ayon sa kaniya, gabi daw noong una niyang nasilayan ang batang ito nang huminto sila sa Katipunan corner Boni Serano.

Ito ay itinuro lamang ng kaniyang asawa sa kaniya. Bibihira daw kasi magandahan ang kaniyang asawa mga babae bukod sa kaniya at sa iniidolong si Angel Locsin.

Noong gabi daw na iyon ay hindi niya maaninag masyado ang bata pagkat madilim at wala siyang salamin. Inabutan ito ng P100 ng kaniyang asawa at narinig niya ang usapan ng dalawa.

ONNIE: Wag mo na ibigay ang sampaguita, benta mo nlng ulit.
SAMPAGUITA GIRL: Okay lang po. Kunin nyo na para makauwi na ako.

Ayon kay Honney, nakahalata ang bata na kinukuhanan niya ito ng larawan ngunit hindi tumitingin. Nag alala din siya nang malaman niyang ginagabi sa daana ng batang iyon upang magbenta ng sampaguita

’’So, dahil hindi pa din ako maka get over sa napaka pretty na bata. I asked Onnie ilang times na nya nakita. Naka ilang times na din daw. Minsan 11pm daw na pauwi sya andoon pa rin ang bata. May ulan or wala. Nasa kalsada daw. Parang na takot naman ako bigla for her. Ang dami loko loko kase tapos nasa kalsada pa sya ng ganoong oras.’’

Nagkaroon muli si Honney na makita ang bata at sa pagkakataong ito ay maliwanag at may araw na.

’’Napakaganda nga nya pala talaga. Pero dahil very shy sya. Hindi ko na sya natanong pero I told her pictureran ko sya dahil napaka pretty nya. And she smiled.’’

Sa dulo ay hiniling niya ang kabutihan ng batang ito na nawa daw ay mayroong pamilya at bahay na inuuwian matapos mag hanap buhay sa lansangan.

LONG STORY AHEAD ✌️Habang naka stop kami and ako napaka busy naman kaka FACEBOOK, bigla nagsalita asawa ko. ONNIE:…

Posted by Honney RJ Balasabas on Wednesday, October 21, 2020