Kay sarap nga namang mag karoon ng isang matalik na kaibigan na kung saan iyo itong masasandalan s atuwing ikaw ay may problemang pinag daraanan.

Siya ang kasa- kasama mo sa hirap at ginhawa. Lahat ng tawanan at iyakan ay inyong pinag sasaluhan. Kaya naman sinasabi ng iba, ang iyong best friend ay parang iyo na ding kapatid.

Ngunit kakaiba ang naging istorya na ibinunyag ni KL Nebriaga na kung saan ang kaniyang pinaka matalik na kaibigan, ngayon ay kaniya nang stepmom!

Agad na nag viral ang post na ito dahil sa nakakagulat na mga rebelasyong nangyari. Nagtapos ang kanilang pagkakaibigan dahil sa pagiging kabit umano ng kaniyang best friend na si Jeneath Salis.

Kagaya ng iba, palagi silang magkasama at nag kakasundo sa isang bagay.

Hindi sukat akalain ni KL na si Jeneath pala ang sisira sa kanilang pamilya na kung saan napag alaman niya ding nabuntis ito ng kaniyang ama. Kaya ang naging resulta ay magiging stepmom niya ang kaniyang kaibigan at magkakaroon din ng kapatid sa labas.
Makikita din sa screenshot ng kanilang usap ay ang pagsusumbatan ng dalawa.

Ito ang naging caption ni KL sa kaniyang post: “bestfriend ko noon, step mom ko na ngayon. magkakaroon pa ko ng kapatid sayo ah guys, siya pa matapang!”