Alam naman natin na halos lahat ng artista ay nagpupunta kay Dra. Vicki Belo o sa totoong buhay, Victoria “Vicki” Gonzales Belo- Kho para makapag paayos o makapag pa- improve ng parte ng kanilang mga katawan at hitsura.

Hindi maitatanggi na si Dra. Vicki Belo ang isa sa mga sikat na celebrity doctor dito sa Pilipinas na pinaka pinagkakatiwalaan pag dating sa cosmetic surg3ry.

Ngunit para sa kaalaman ng lahat, ang 63 taong gulang na doktora na ito ay nakaranas din ng diskriminasyon at panunuya sa ibang tao at sa kaniyang mga kaklase noong siya ay bata pa lamang.

Imbis na magpadala sa mga sinasabi ng iba, ginawa niya itong inspirasyon para siya ay magkaroon ng sariling cosmetic establishment.

Naging hurado si Dra. Vicki sa ABS- CBN noontime show na “It’s Showtime” sa kanilang segment noong 2019. Ito ay ang segment na kung saan mayroong mga special performance ang mga host para sa kanilang selebrasyon ng kanilang 10th Anniversary.

Ang kilalang “Magpasikat” performance ng comedy actor na si Vice Ganda ay may isang napakagandang mensahe at aral para sa lahat na self- love at “hair story” patungkol sa mga taong kagaya niya na naglalagas ang buhok o dumaranas ng al0pecia.

Kasama si Dra. Vicki sa namangha at nadala sa performance ni Vice kaya naman nagkaroon siya ng pagkakataong ibahagi ang kaniyang naging karanasan noong siya ay bata pa.

Sinabi niya na ubos siya ng taba noong siya ay bata pa. 5 taong gulang pa lamang siya Ngunit ang kaniyang timbang ay umakyat na sa hundred pounds. Bukod pa doon, siya ay ampon lamang ng mga Belo.

Tinutukso daw siya ng mga bata na “Bakit ka pinamigay, dahil pangit ka? Or dahil ang taba mo?”

Kwneto niya, hindi daw maintindihan ng mga tao na kaya siya pumasok sa industriya ng pagpapaganda ay dahil gusto nuyang gawing maganda ang lahat. Dahil kapag daw maganda ka, mamahalin ka at katanggap tanggap ka.