Sa panahon natin ngayon in-demand na ang mga delivery order online dahil malaki nga naman ang tulong nito para sa atin na walang oras lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at isang tulong din nito ngayon hindi mo na kaipangan punta sa mga mataong lugar para na rin makaiwas na mahawa sa kumakalat na sakit.

Ngunit sa kabila ng pag-uso ng ganitong kalakaran ng pagbili ng pagkain maraming delivery rider ang naloloko at napupurwisyo dahil sa ibang mga customer na nagcacancel ng order.

Ang sinasabi naman ng mga delivery rider ay wala naman problema kung mag cancel ito dahil nagbago ang isip ngunit sana naman ay hindi pa ito ‘confirmed’ o ‘on the way’ na ang kanilang ipapadeliver.

Kaya naman ang ibang delivery riders ay nagkakaproblema kung paano nila mababawi ang kanilang pera na ipinambili ng mga orders na nacancel.

Samantala, kamangha-mangha ang ginawa ng isang Grab rider mula Singapore dahil mas pinili niyang ipakain sa mga pulubi ang order ng kanyang customer matapos itong i-cancel.

Sa isang balita na inilabas ng website ne Elite Readers, ang GrabFood rider umano ay on the way na aa destinasyon ng customer nito nang biglang itong i-cancel imbis na magalit at mamroblema daw ang rider mas pinili nitong ibigay nalamang ang Mcdonald orders na na-cancel sa mga pulubi.

Kaya naman marami ang humanga sa rider na ito, may mga netizen na nag paabot ng mga magagandang komento sa rider at sana raw ay tularan ang rider na ito at para naman daw sa mga umoorder na nagca-cancel sana daw ay makonsensya ang mga ito at isipin din na namumuhanan lamang at naghahapbuhay ang mga grab riders.

Narito naman ang kabuuang caption ng naturang Grab rider:

“Customer (cancelled their) order so we plan to give to homeless people who need (the food). Today we help people, and another day, people will help us. #Provision should not be rejected.”