Madami ang dumadaing sa social media patungkol sap ag paparinig sa kanilang mga future boyfriend o hindi kaya man ay girlfriend.

Samantala, sinong mag aakala na ang social media din ang daan upang iyong malaman na mayroong isang prinsipe sa totoong buhay ang nag hahanap ng babaeng pakakasalan?

Hindi ito isang panaginip lamang ito ay pawang katotohanan na kung saan ang Hari at Reyna mismo ng Brunei ang nag anunsyo sa lahat na sa isang taon ay nasa tamang edad na ang kanilang pang 10 anak na si Prince Abdul Mateen ngunit wala pa itong kasintahan upang maging bride kaya’t kanila itong ipinarating sa lahat.

Tunay ngang mala Prince Charming na ang datingan ni Prince Abdul Manteen na anak ni Majesty Sultan Hassanal Bolkiah. Kagaya ng iba, mayroon din siyang malaking social media na madaming taga subaybay.

Kadalasang ibinabahaging larawan ay ang kaniyang mga alagang hayop kagaya ng leopard cub at tiger cub. Mayroon din siyang white tiger cubs at ocelos..

Taong 2011 nang nakamit niya ang pagiging pangalawang lieutenant bilang isang sundalo sa commissioning officer course sa Royal Military Academy Sandhurst sa UK.

Madalas ang kaniyang pampalipas oras ay pag lalaro ng sports kasama ang kaniyang mga kaibigan o hindi kaya man panonood ng mga pelikula.

Dahil siya ay prinsipe, nakatira lang naman siya sa 1877- room Brunei Palace na sandamukal ang ginto, pilak at dyamante. Hindi din pwedeng mawala ang kaniyang mga pag mamay- aring kotse na 10 Rolls Royce, 20 BMW, 50 Mercedes Benz, 3 Lamborghini, 66 Ferrari, 17 Jaguar, 20 Bentley at 15 Porsche.

Kung nanaisin man niyang lumipad sa ibang bansa, hindi na niya kailangan pang mag pa book ng flight pagkat mayroon siyang sariling eroplano na punong puno din ng ginto, pilar at dyamante.

Naghahanap ka ba ng Prince Charming? Baka ito na ang matagal mong hinihintay.