Masakit ang mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kung ito ay lagi malapit sayo at lagi mong nakakasama sa pang araw-araw , hindi madali ang kalungkutan at hinagpis na mararanasan ng mga pamilya na maiiwan ng mga taong pumanaw na.

Ngunit sa kabila ng kalungkutan ay nagsusumikap ang mga ito na magpatuloy sa kanilang pamumuhay kahit wala na ang kanilang mahal sa buhay.

Sabi nga ng iba sa paglipas lang ng ilang taon ay makakalimot din ang mga pusong naulila at nasaktan, ngunit hindi nila alam ay nasasanay lamang sila sa kalungkutan at sakit na kanilang nararamdaman sa paglipas ng panahon simula ng pumanaw ang kanilang mahal sa buhay.

Maraming taon man ang dumaan at lumipas ay hindi parin talaga mawawala sa isip at puso ng mga taong naiwan ang sakit at pangungulila.

Katulad na lang ng kwento ng Magkakapatid na ito na umantig sa maraming netizens tungkol sa hindi nila inaasahan pamana na iniwan pala sa kanila ng pumanaw nilang ina apat na taon na ang nakalipas.

Ayon sa nagpost ng kwento na ito na may Facebook user na Tim Salonga, Nang minsan daw nilang ipauwi sa kanilang tiyahin ang mga damit ng kanilang Ina ay nakakita daw sila ng liham, tatlong singsing , isang pares ng hikaw at Php5,000 sa loob ng bulsa ng damit ng kanilang pumanaw na Ina.

Ito ang nilalaman ng Liham na iniwan ng kanilang ina para sa kanilang Magkakapatid:

“Para sa pag-aaral ni Tim, Hazel, Herica ang perang ito. Gagamitin nila ito sa pang-negosyo nila at paramihin nila ang konting pamana kong ito sa kanila at may tatlong singsing ito at isang pareas ng hikaw. Paunlarin niyo ang konting pamana ko sa inyo. Salamat mga anak. Mama”.

Inakala ng magkakapatid na ito ang munting pamana ng kanilang mahal na Ina para sa kanilang ngunit hindi nila inakala na mayroon pa pala itong itinago sa may ilalim ng kanilang lumang makina. Sila ay nagulat ng makita nila ang mga naipon na pera at mayroon din ditong passbook.

Ayon sa pagkakapatid ay hindi raw nila nakita ang kanilang ina na bumili ng kahit anong luho para sa sarili nito noong nabubuhay pa ito.

Sobra naman ang pasasalamat ng magkakapatid sa kanilang Ina dahil sa biyaya na natanggap nila at nagpapasalamat din sila sa kanilang Ina sa pagmamahal na ibinigay sa kanila at kahit ilang taon na ang nakalipas simula nang mawala ang kanilang ina ay hindi raw sila pinababayaan at lagi silang binabantayan.