Ang pagiging Ama ay isang malaking responsibilidad sa isang Lalaki, kaya naman kailangan ay maging malakas , masipag at syempre madiskarte para sayong pamilya.

Kaya naman dahil nga sa mahirap ang isang maging Ama maraming mga kalalakihan ang tumatakas sa kanilang responsibilidad sa bata matapos makabuntis.

Ngunit iba ang tatay na ito na gagawin ang lahat maitaguyod lang ang kanyang pamilya kahit pa anong trabaho basta malinis at legal.

Dahil nga may pandemiya lahat ay nagkaroon ng problema pero mas matindi ang naging epekto nito sa mga taong walang-wala at mahihirap na hindi kayang tumigil sa paghahanapbuhay.

Katulad ng isang matandang lalaki na ito na kamakailan ay usap-usapan sa social media ang kanyang larawan kung saan makikita dito na dala-dala niya ang maliit na anak habang nagtitinda sa lansangan ng mga lobo.

Sa kabila ng lahat ay nag-iingat at hindi lumalabas ng kanilang mga bahay dahil takot mahawaan ng sakit, mas pinili ng kaawa-awang lalaki na ito na pumunta sa kalye at mag tinda para maibigay ang pangangailangan ng kanyang anak.

Ayon sa post ni Jandale Forrester na mismong nakakita sa mag-ama, kasama umano ng matandang lalaki ang kanyang anak sa paghahanapbuhay nito.

Narito naman ang kabuuang post ni Jandale:

Tindero ng lobo, spotted na nagpapahinga sa lilim kasama ang kanyang anak

Marami ang naantig sa mga litrato ng mag-ama…

Posted by Kami.com.ph onĀ Sunday, October 18, 2020

“Di ko alam pero subra akong nahabag kay tatay… bukod sa nagtitinda sya kasama nya pa anak nya! God bless you tay masyado nyo sinaktan ang puso ko magiingat po kayo at ang anak nyo!

Di nyo alintana ang panganip pero nag susumikap kayong itaguyod anak nyo sbbra akong naiiyak GOD BLESSED YOU PO PLEASE PA SHARE NAMAN PO.

May tatlo syang anak Sabi nya sakin taga cavite daw sya! Wala pa syang Benta KAYA nagpahinga lang daw muna sila kasi subrang inaantok ang Bata. God blessed you tay Buhusan nawa kayo ng madaming biyaya in Jesus name AMEN.

P.S: Sa mga nakakita at nag share ng post ko abouth kay tatay at sa bata!gusto ko lang po ipaalam na sana po kung magbibigay kayo ng tulong dretso nyo na lang po sana sa kanya!

Wala pong cellphone si tatay. Ang sabi nya lang po sakin taga cavite sya.may asawa at may tatlong anak! Pero ttry ko po na mahagilap at mahanap sila bukas… gusto ko lang po maging maayos kung sino man ang gustong tumulong! God bless and salamat po sa inyong lahat… stay safe and healthy everyone!

Sa ngayon ang naturang post ni Jandale na ito para sa mag-ama ay umaabot na ng 88K reactions at 6k comments. Maraming mga netizen ang naantig ang puso na nagdadasal at umaasa na sanay matulungan daw ang mag-ama.