Ang matagal na paglangoy at paglutang sa dagat ay masama sa katawan ng tao at ito nga ay maaring humantong sa pagkåmåtay nito.

Kaya naman ikanagulat at maraming namangha sa himalang na nangyari sa isang Teenager sa indonesia matapos nitong makayanan ang magpalutang-lutang sa karagatan sa halos 49 na araw.

Ayon sa binata habang siya ay nagpapalutang lutang sa dagat ay hawak nito ang isang bibliya na paniwala niya ay ito ang nakatulong sa kanya upang makaligtas sa pagsubok na kanyang kinaharap.

Nakilala ang binata na si Aldi Adilang 19 na taong gulang at siya ay nagtatrabaho bilang “Lamp keeper”.

Tatlong taon na siya sa kanyang trabaho ang kanyang ginagawa ay nagsisindi ng mga “tramp lamps” na siyang nagsisilbing pain sa mga isda.

Isang beses sa isang linggo kung may magpunta na mga tao sa nakalutang na kubo ni Adilang upang kunin ang mga isda at magdala na rin ng mga pagkain na pangunahing kailangan ng binata.

Ngunit isang araw sa hindi inaasahang pangyayari naputol ang lubid na siyang pundasyon at nagtatali sa kubo mula sa laot dahil sa lakas ng hangin.

Kaya naman hindi na napigilan ni Adilang ang paglayo ng kubo sa dalampasigan at nagtuloy tuloy sa paglutang patungo sa gitna ng karagatan.


Nung una ay hindi ito ikinabahala ng binata dahil ang pagaakala niya ay maililigtas agad siya at may darating na tulong para sa kanya.

Ngunit ilang linggo ang lumipas at siya nakaramdam na ng takot dahil na rin habang tumatagal na siya palutang lutang sa dagat ay maari siyang mapahamak.

Walang kaalam-alam ang binata na ng mga panahon nayon ay sobrang layo na niya at ilang milya na ang nilakbay ng kaniyang palutang-lutang na kubo na patungo ng Guam.

Ito ay nadiskubre ng mga awtoridad ng siya ay irescue matapos ang 49 na araw. Ang binata ay natagpuan at nailigtas sa karagatan na sakop na ng Guam.

Kwento ng binata habang siya ay nagpapalutang-lutang sa karagatan ay nanghuhuli siya ng isda para mayroon siyang kainin at ginagamit naman niya ang ilang kahoy sa kanyang kubo para gawing panggatong sa pagluluto.

Ang tubig naman na mula sa dagat ang kanyang ginagawang tubig para mapawi ang kayang uhaw, pagkuha ng tubig ay kanya muna daw itong pinipiga sa mga damit para mabawasan ang lasa at alat ng dagat.

Ilang banka daw ng mga mangingisda ang kanyang nakasalubong at sinuukang humingi ng tulong ngunit hindi siya pinapansin ng mga ito.

Kwento ni Adilang.
“They did not understand when I said “help” in our language. I remembered what my friend taught me. Use the English word Help!”

Pero ayon sa binata araw-araw daw niyang binabasa ang kaniyang bibliya habang siya ay nasa karagatan sa loob ng 49 na araw na siya ay palutang-lutang. Ito daw ang kanyang naging sandalan at nagpatatag ng kanyang loob.

Isang himala na para sa kanya ang malampasan ang binigay na pagsubok sa kanya. Ang bibliya daw ang isa sa mga tumulong sa kanya at siya rin ay nagpapasalamat sa mga taong tumulong sa kaniya at pati sa Panginoon na binigyan siya ng isa pang buhay.

Ang pananalig sa itaas ang pinakamalakas na sandata natin, hinding-hindi ka nito pababayan at lahat ng mga pagsubok sa ating buhay ay ating malalampasan.