Umaantig sa puso ng mga Netizen ang larawan ng isang Lola na nagviral sa social media, nakita umano itong nanghihingi at namamalimos sa kalye upang matulungan ang kanyang apo na makabili ng mga pangangailangan sa online class.

Ayon sa matanda ang kanyang apo ay ulila na sa magulang nito kaya naman siya lang ang nangangalaga dito kaya naman siya ay naghanap ng paraan upang makapag-aral pa rin ang kanyang apo kahit na wala silang pera.

Ang kwento na ito ay ibinahagi ng concern Netizen na si Jhonroe Cabildo, kwento niya siya nasa Monumento station ng mapansin niya ang isang matandang babae na kinilalang si Lola Laida Gracias ng Brgy. 160 Caloocan City.

Sa kabila ng katandaan ni Lola Loida, siya ay nagtyatyaga at nag titiis sa lansangan at umaasang may magbibigay sa kanya ng kahit konting tulong at pera para sa kanyang apo.

Ayon kay Lola ang ginagawa niyang panghihingi sa kalye ay para sa kaniyang apo na si Princess Jasmine , 11 taong gulang. Nasiraw daw kasi ang cellphone ni Jasmine na tanging gamit sana para sa kanyang online class, dahil sa kawalan naman nila ng pera ay walang magawa si Lola Laida.

Isa pa sa iniisip ni Lola bukod sa kanyang apo ay ang kanyang asawa na may sakit, Dahil walang pinagkukunan ng permanenteng kita si Lola kahit pa siya ay sobrang nahihiya na manghingi wala siyang magawa kundi magmakaawa sa mga taong makakasalubong sa lansangan para sa kanyang apo at asawa.

Hindi naman sinisisi ni Lola Laida ang mga opisyal ng baranggay sa kanila kung hindi man sila matulungan at dagdag pa niya na hindi naman siya namimilit sa mga taong kanyang nilalapitan upang manghingi ng tulong.

Para naman sa ating netizen na si Jhonroe sobra siyang naawa kina Lola Laida sa apo nito at asawa kaya naman minabuti niyang ibahagi ito sa social media upang manawagan at makahingi ng tulong sa may mga mabubuting puso para kina Lola Laida.

Dagdag pa ni Jhonroe na maliit na halaga lang ang kanyang naibigay kay Lola, Kaya naman umaasa siya na sana’y sa pmamagitang ng kanyang post na ito ay umulan ng maraming tulong para kay Lola Laida at sa apo nito na si Princess Jasmine na ngangailangan ng kagamitan para sa online schooling at para na rin sa kanilang pang araw-araw na pangangailangan.