Dahil sa hirap ng buhay ngayon na halos lahat nalang ng bilihin ay tumataas kaya naman ibat-ibang paraan ang naiisip at ginagawa ng Nanay at Tatay natin upang makatipid sa pang araw-araw na gastusin.

Katulad na lamang ng mommy na si Anna Floriza kung saan ang kanyang diskarteng naisip upang makatipid sa paglalaba ay kanyang ibinahagi sa kanyang social media account.

Ayon kay Mommy Anna ilang beses na niyang sinubukang gamitin ang suka bilang fabcon at hindi siya nabigo dahil napatunayan niya na epektibo itong gamitin sa mga damit.

Kwento ni Anna na kanyang nilalagyan ng hanggang tatlong kutsara ng suka ang kanyang tubig na ginagamit sa pagbabanlaw at napatunayan niyang ito mas lalong lumalambot at bumabango ang mga damit na nilagyan ng suka.

“Ilang beses ko na din sinubukan ito. Kung dati rati ay madalas akong magpabili ng fabcon, ngayon suka na. Yes, mga mommies at daddies. Very effective din pala sa mga damit.”

Ginagamit ko ito sa huling banlaw na. Naglalagay ako ng 2-3 kutsara sa tubig bago banlawan ang mga damit. Malambot at mabango ang mga damit.” kwento ni Anna.

Ayon din kay Anna na maari din ilagay ang suka sa tubig na may fabcon para lalo daw lumabas ang mabangong amoy nito.

“Kung may fabcon ka naman, pwede ka ding maghalo ng suka. Mas napapalabas niya ang bango ng damit gamit ang suka.”

Dagdag pa ni Anna ang isang tips sa pagsasaing kung saan nilalagyan niya ito ng kanin upang maiwasan ang pagkapanis ng kanin.

“Nga pala, naglalagay din ako ng suka sa sinaing. Iwas panis. May gumagawa din ba nito? Try nyo din”

Para sa mga mommy natin sa bahay ay malaking tulong ang ibinigay na impormasyon na ito ni Anna upang makatipid sa pang araw-araw na paglalaba kaya imbis na ipambili ng maraming fabcon ay ibibili na lang ng suka at ang iba ay idadagdag sa pambili ng pagkain na pangunahing pangangailangan.