Marami tayong nababalitaan na iba’t-iba tungkol sa mga taxi driver, minsay ay mayroong mga nagsasauli ng mga gamit na naiwanan ng kanilang pasahero mayroon din na balita na mga driver na nandadaya sa metro ng kanilang pasahero.

Pero maniwala kayo’t sa hindi mayroon ding mga taxi driver na nabibiktima ng mga manlolokong pasahero tulad na lang ng isang insidente na usap-usapan at nagviral sa social media.

Kamakailan lang ay may isang video clip na kumalat sa social media kung saan ipinapakita ng taxi driver ang sumakay na isang babae sa kanya at medyo malayo layo na rin ang kanilang binayahe patungo sa sinabing destinasyon saan ng babae , ngunit nagulat ang driver na tanging limang piso lamang ang binayad ng nito.

Kaya naman ang ilan sa nakapanood ng videoclip na ito ay nagalit sa babae, sinasabi ng ibang netizen sana daw ay hindi nalang ito sumakay ng taxi at ang iba naman ay sinasabi na dapat ay dinaretso na ng driver sa police station.

Ngunit may ilang netizen na nagsasabi na hayaan nalang siguro ang babae at pagpasensyahan ng driver dahil mukang naloko din ng iba ang babae. Dagdag pa ng ilang Netizens na sa ginawang pagpapasensya ng taxi driver ay may malaking blessings ang dadating sa kanya.