Ang tinuturing na santo ay ang mga taong may natatanging kabutihan o kabanalan at sakripisyo.

Kagaya na lamang ni Patron San Jose na nagkaloob ng isang napakalaking sakripisyo sa pamamagitan ng pagpapakasal kay Birheng Maria sa kabila ng kalagayan nito.

Ngunit sinong mag- aakala na sa pag lipas ng panahon ay isang lalaki nan aka suot ng track suit jacket, maong, at isang pares ng sapatos ang napabilang sa mga santo ng Simbahang Katoliko sa kasalukuyan.

Nakilala ang santo na ito bilang si Carlo Acutis na isang Italyano. Siya ay itinakdang i-beatified sa Oktubre 10.

Pebrero pa lamang nang inaprubahan ito ni Pope Francis na kilalaning santo si Acutis dahil sa ginawa nitong himala sap ag papagaling sa batang lalaki may malubhang sakit ng påncréas sa bansang Brazil.

Isinapubliko ang seremonya ng katawan ni Acutis sa Church of Santa Maria Maggiore sa Assisi, Italy. Makikitang ang suot niya ay simpleng track jacket, maong, at sneaker dahil ito ay ang kaniyang paboritong suotin noong siya ay nabubuhay pa.

“Today we see him again in his mortal body. A body that has passed, in the years of burial in Assisi, through the normal process of decay, which is the legacy of the human condition after sin has removed it from God, the source of life. But this mortal body is destined for resurrection.” Saad ni Archbishop Domenico Sorrentino ng Assisi.

Lumaki si Acutis sa Milan ngunit binawian siya ng buhay noong siya ay 15 taong gulang pa lamang dahil sa sakit na leukem1a noong taong 2006. Bata pa lamang daw ay maka- Diyos na ito at labis ang pag mamahal sa mahihirap

“I am happy to die because I lived my life without wasting even a minute of it on anything unpleasing to God.” Saad ni Acutis

Bago pa man pumanaw si Acutis, sinabi niyang ibinigay na tao niya ang kaniyang puso at kaluluwa sa Panginoon, Simbahan at mga Pope.

Siniyasat at pinag aralan ng Pope ang mga himalang nagawa upang masabing siya ay pinagpala. Sa huli ay sinabi na isa siyang isang banal at dapat igalang ng buong Iglesya.

Siya ay isang tipikal na bata lamang din na nakikipag laro sa mga kaibigan, mahilig sa video games at football. Sinabi din na siya ay maituturing na tunay na henyo at may kakayahan na maging computer engineer.

Kasabay nito ay ang pagkakaroon ng espesyal na ugnayan sa Diyos. Araw araw ay nag pupunta siya sa Misa at binubuhos ang kaniyang oras sa tabernakulo na sinasamba ang Mahal na Sakramento.

Mayroon din siyang espesyal na debosyon kay Maria, na madalas na nagdarasal ng rosaryo. Nangako din siyang ipagtatapat niya ang kaniyang bawat ginagawa sa kada linggo.

Mahilig din siya mag edit ng pelikula, mga larawan at layout ng mga komiks. Sa katunayan, siya ay nakagawa ng isang website na nag-catalog sa mga Eucharistic miracles sa buong mundo.

Nag iwan ng mensahe si Pope Francis para kay Acutis.

“Carlo was well aware that the whole apparatus of communications, advertising and social networking can be used to lull us, to make us addicted to consumerism and buying the latest thing on the market, obsessed with our free time, caught up in negativity.”

“Carlo didn’t fall into the trap. He saw that many young people, wanting to be different, really end up being like everyone else, running after whatever the powerful set before them with the mechanisms of consumerism and distraction.”