Kamakailan ay usap-usapan sa social media ang post ng isang guro na Velcher Castillo sa kanyang Facebook account.

Ibinahagi ang isang proyekto ng isa sa kanyang estudyante na kumuha ng atensyon dahil sa isang mensahe na isinulat at iniwan nito sa ipinasang proyekto.

“Sir wala po akong pambili ng krayola sorry po.”, ang naka sulat sa mensahe na iniwan ng kanyang estudyante.

Makikita sa ipinasang proyekto ng kanyang estudyante ang isang “drawing” kung saan nilagyan nalang niya ng label kung anong kulay ang mga ito sa kadahilanang wala siyang krayola.

Naantig naman ang gurong si Velcher sa mensahe na ginawa ng kanyang estudyante kaya naman nagbigay din nang mensahe ito para sa kanyang estudyante kung saan sinasabi nito na naiintindihan niya ito at hindi kailangan humingi ng paumanhin at bukod sa mensahe na ito may kasama rin itong isang karton ng krayola para sa kanyang estudyante.

“Don’t be sorry, nak. I understand you. Here’s a box of crayons for you. Keep up the good work! See you when this pandemic finally ends. God bless and stay safe.”

“Para sa bawat estudyante, isang mahigpit na yakap. Kapit lang. Laban lang. Tuloy lang. Magkikita kita muli tayo. Know that your efforts are valid and appreciated. Kahit na at kahit pa.”, saad ni Teacher Velcher Castillo.

Ang naturang post na ito ay umani na ng maraming reaksyon at komento mula sa mga netizen kung saan pinaabot nila ang kanilang paghanga sa guro.

Marami din ang nagsabi na naantig sila sa kwento ng batang estudyante at naiyak sa kwento nito. Sa ngayon ay mayroon ng 150K reactions, 4K comments at 65K shares.

Dahil sa pag trending din ng post na ito maraming nag paabot ng tulong hindi lang sa batang estudyante na ito kundi sa iba pang mag-aaral na nangangailangan din.

Pagbabahagi pa ni Teacher Velcher , dahilsa kanyang kwentong krayola ay may isang bata siyang nabigyan ng saya at nagkaroon ng pag-asa.

Dahil marami pang nagbigay ng krayola upang makatulong sa ibang bata marami pang mga Pangaram na makukulayan.

Inulunsan ni Teacher Velcher ang “PROJECT KRAYOLA”: Ating kulayan Pangarap ng nga Bata, Ang nasabing proyekto na ito ay naglalayon na mabigyan ang lahat ng mag-aaral ng krayola na walang kakayahang bumili lalo na ngayong may kinahaharap tayong pandemiya, Ito din ay magsisilbing daan at paraan upang makulayan ng mga mag-aaral ang kanilang mga likha.

Labis naman ang pasasalamat ni Teacher Velcher sa mga tumulong at sinasabi niya na napakalaking tulong nito para sa mga mag-aaral.

Narito ang kabuuang post ng Guro:

“As of today, meron na po tayong nalikom na P70,245.93”

Sa lahat po ng nagpaabot ng kanilang mga tulong, maraming maraming salamat po.

“Can’t thank you enough for this. Hindi lang po ito basta pera, PANGARAP at PAG-ASA ito para sa mga bata. Patuloy po sana tayong magsilbing kulay para sa mga bata, lalo na sa panahon ngayon, tayo ay kailangan na kailangan nila. Kahit na at kahit pa”

Para po lagi po kayong updated sa development po ng ating proyekto at sa mga uusbong pang proyekto para sa mga bata, mayroon po akong ginawang Facebook Page.

Sa mga nais pa pong magpaabot ng kanilang donasyon maaari niyo pong iabot sa mga sumusunod:
Gcash: Vel Christian Castillo
09952004690

BDO:
Acct. Name: Vel Christian L Castillo
Acct. No.: 012820023297

Lagi’t lagi para sa bata.
-Teacher Velcher