Pagpapakasal ay hindi lang parang isinusubong mainit na kanin na kspsg iyong isinubo ay puwede mong iluwa kapag napaso. Ito ay isang kasunduan ng puso, diwa, at isipan.

Ito ay para sa mga taong tunay na nag mamahal at hindi sapilitan. Nararapat lamang na sigurado ka sa iyong magiging kabiyak pagkat ito ay maaaring dalhin habang buhay maaari ding putulin ang ugnayan ngunit mahabang proseso ang kailangan.

Masalimuot na kwento ang ibinahagi ni Mona Pilapil sa sikat na programa ni Raffy Tulfo. Hindi maitatanggi na ito ay nagiging malaking tulong para sa maraming taong nangangailangan ng hustisya. Kaya naman nag lakas loob si Mona na dumulog dito.

Ang kaniyang mister na si Benjie Pilapil ay walang pusong nakipag apid kahit pa isang linggo pa lamang silang kasal ng kaniyang may bahay na si Mona.

Nitong Marso 9 lamang nang sila ay opisyal na ikinasal. Isang araw ay nag paalam si Benjie na mamamalagi muna sa bahay ng kaniyang trabaho dahil nga sa mahigpit na pagpapatupad sa nag daang ECQ.

Ngunit lahat ng iyon pala ay kasinungalingan. Ang totoo ay nakipag live in na si Benjie sa kinakalantaryong babae na nakilala bilang si Sarah Ramos. Pareho naman nilang itinanggi ni Benjie ang relasyon ngunit mas matibay ang mga proweba ni Mona laban sa panloloko ng dalawa.

Dinepensahan ni Benjie ang paratang ni Mona sa kaniya. sinabing hindi lang daw talaga matanggap ni Mona ang pakikipag hiwalay nito at basta na lamang lumisan.

Sagot naman ni Mona, “Ang gusto mong mangyari maghiwalay tayo na parang mag-jowa lang, kasal tayo Benjie!”

Mas lalo pang pinag tibay ng tiyahin at ina ni Benjie ang paratang ni Mona nang sila mismo ang umamin sa kung ano talaga ang namamagitan kay Benjie at Sarah.

Dahil doon, nagkaroon ng karapatan si Mona na sampahan ng kaso ang dalawa.