Dahil sa pandemiyang ito, lahat ay nagbago. Ang mga paataran ay mas lalong humigpit maging ang mga bilihin at pamasahe ay dumoble din.

Ngunit ano pa nga ba ang magagawa natin kung hindi ang umayon na lang sa sitwasyon at maging madiskarte na lang.

Isa sa mga naapektuhan ay ang pagbabyahe. Limitado na ang dapat na bilang na mga pasahero kayanag taas na pati ang pamasahe.

Ang iba ay mas naging practical sa pamamagitan ng pamimili ng bisikleta. Maaaring mas mura iyon sa sariling tricycle o motor ngunit paano naman ang mga walang wala talaga?

Nakakabilib na larawan ang ibinahagi ni Bayan Patroller na si Renzie Azucena, papunta sana siya sa Barangay Supang sa Buenavista at nakasalubong ang 32 anyos na si Jannifer Cabaya na may kakaibang bisikleta.

Ang kaniyang bisikleta ay yari lang naman sa kahoy at bakal.

Naisin man niyang bumili ng mumurahin ngunit wala talaga kaya niya naisipang gawin ang ganitong klaseng bisikleta. Higit pa doon, kinakailangan niya ding kumayod sa bukid bilang katiwala sa bukid sa Guimaras.

“Matagal ko na pong gusto maka bisikleta. Di ko naman makaya bilhin kaya ginawan ko ng paraan… Ang harap na gulong hiniram ko lang,” sambit ni Cabaya.

Kakaiba man ito, ngunit ito ang naghahatid sa kaniya ng ligtas papunta sa bukid, bayan at pauwi.