Sabi nila, mag- enjoy ka muna sa iyong buhay dalaga dahil ang pag-big ay maaaring matagpuan pag dating ng panahon.

Ngunit paano na lamang kung hindi na dumating ang panahon na iyon at mamuhay ka na lamang mag- isa hanggang sa ikaw ay mawalan ng hininga.

Ganoon na lamang ang dinaranas ng 101 taong gulang na lola na si Lola Felicidad na kinapanayam ng I-Witness.

Ikinuwento niyang walang kahit na sino ang nagtangkang manligaw sa kaniya noong panahon niya kaya siya tumandang dalaga. Bukod pa doon, inuna niya munang tumulong sa kaniyang pamilya.


“Walang nagkagusto sa akin kasi ang pangit-pangit ko.”

“Kaya wala akong asawa. Kapag pangit ka, hindi ka magugustuhan ano.” Dagdag pa niya

Siya ay nagtrabaho hindi lamang para sa sarili kung hindi upang suportahan ang pangangailangan ng kaniyang pamilya.


’’Hindi pwedeng hindi ka tumulong. Kapatid ko ‘yun eh saka anak ng kapatid mo, hindi mo tutulungan?”

Sa katunayan, ilang miyembro na ng kaniyang pamilya ang kaniyang natulungang magtagumpay sa buhay.

Ngayon na siya ay may edad na, wala man siyang sinusustentuhang mga anak, ngunit kinaakailangang kumayod para sa sarili.

Siya ay kasalukuyang naninirahan sa isang liblib na lugar sa Ilocos Sur. Sa kabila ng kaniyang katandaan, siya ay nagtatrabaho pa din sa bukid dahil hindi niya daw gusto ang palaging nakaupo at walang ginagawa.

Mayroon din namang nag aalaga sa kaniya simula noong siya ay 94 taong gulang na. Ito ay ang asawa ng kaniyang malayong kamag- anak na si Regin Cabico. Siya ay sinasahuran ng pamangkin ni Lola Felicidad kapalit ng pag aalaga dito.