Madalas pagtawanan ang mga may kakaibang pisikal na kaanyuan at isa na nga naman diyan ay ang pagiging mataba.

Ngunit lingid sa kaalaman ng iba na mayroon pala itong mabuting naitutulong kahit minsan. Ito ay pinatunayan ng isang Chinese na nakilala bilang si Liu.

Mayroong nag viral na video sa bansang China na kung saan isang lalaki ang nahulog sa balon ngunit dahil sa kaniyang nag lalakihang bilbil ay hindi siya tuluyang nahulog ngunit siya ay nakabara doon.

Tinatayang 500 pounds ang bigat ng 18 taong gulang na si Liu kaya naman isang dosenang bumbero ang sumaklolo sa kaniya upang maialis siya sa pwesto.

Makikitang tila kalmado lamang si Liu sa mga nangyayare at talagang naka cross arm pa siya.

Salaysay ng Daily Mail, ang aksidente ay naganap sa Yinchuan, Luayang habang nilalagyan ni Liu ng mga kahoy ang ibabaw ng balon nang sa gayon ay walang mahulog dito ngunit dahil nan a madulas, natapilok ito at nahulog sa butas.

Hinila si Lui hanggang sa ito ay tuluyang makaahon at makalabas sa butas.

Kaya naman huwag maliitin at laitin ang matataba dahil hindi moa lam na ang kanilang mga nag lalakihang bilbil ang maaaring magligtas mula sa kapahamakan kagaya ng nangyari kay Liu.

Gayun pa man, dapat tayong mag ingat sa kahit saan man tayo mapunta pagkat hindi natin alam ang darating na mga trahedya.