Isa sa pinaka masarap balik- balikan ay ang mga panahon na kung saan unang beses mong nakilala ang iyong kabiyak. O maaaring unang beses mong naramdaman na siya nap ala si “The One”.

Ang dating biro- biroan ay nagkaroon ng katotohanan. Kagaya na lamang ng mag asawang Deither at KM Catugas na nakaranas ng “Marriage Booth” noong sila ay highschool pa.

Hindi nga naman ito mawawala sa programa tuwing Intramurals o Foundation Day Celebration sa isang paaralan. Madalas ay katuwaan lamang ito ngunit maaari din itong magkatotoo.

Kaya naman napa “sana all” at nakarelate naman ang mga netizens sa kanilang Facebook post na may caption na “Nag-marriage booth lang kami noon, asawa ko na ngayon.”

Sana all nga naman long lasting ang pagmamahalan.

Narito ang mga komento ng mga netizens.

“Ang bilis naman po ng panahon haha parang high school lang po yata kayo d’yan eh pero anyway congrats for both of you. Sana all.”

“Ganito din sana ako. Kaso runaway bride ako eh. Hahahaha hindi ko bet yung pinartner ni Bestfriend,”

“My gosh naalala ko noong high school. Madalas kaming ginaganiyan noon. Pipiringan ang mga mata namin. Wala ka nang kawala. Tapos dadalhin ka na sa booth. Pagtanggal ng piring, magugulat ka na lang, it’s either ang pinakaayaw mo sa classroom o ‘yung crush mo ang ipapakasal sa iyo ng mga mapan-trip na kaklase.”

“Wow, kung nagkakatotoo ang ilan sa mga na-marriage booth, paano naman ang mga na-jail booth? Hahaha,”

Nag marriage booth lang kami noon, asawa kona ngayon😂💕YTC:https://www.youtube.com/watch?v=S8qWmr4SDVc

Posted by Deither Catugas on Monday, August 31, 2020