Kapag nga naman tinamaan ka ni Kupido, hindi na alintana sa iyo kung anong itsura, estado o kung ano pang pamantayan mo.

Mabubura lahat ng nasa listahan mo kapag tunay na pag-ibig na nga naman ang naramdaman.

Hindi maiiwasan na may mga taong mapanghusga mula ulo hanggang paa. May mga taong may masasabi at masasabi pa din sa kabila ng kabutihan mong ginawa.

Minsan pa nga kahit nananahimik ka at nakukuntento sa sariling kaligayahan, may mga nasasabi pa din silang walang mga kasaysayan.

Kagaya na lamang ng mag- asawang ito na sandamukal na negatib0ng komento ang inabot dahil lang nagpakasal ang napakagandang babae sa isang lalaking hindi pangkaraniwan ang hitsura.

Ngunit hindi naman din maitatanggi sa mga larawan nilang dalawa at ng kanilang pamilya ang tunay na saya at pagmamahal na kanilang ibinibigay sa isa’t isa.

Ang iba ay sinasabing pinakasalan ito dahil lamang sa pera. Ngunit ayon naman sa iba, kung sana pera lamang ang habol niya, noon pa man ay nagkaroon na ng div0rce settlement.

Sa kabila ng lahat ng negatib0ng komento na natanggap nila, hindi iyon naging hadlang upang sila ay bumuo ng isang masayang pamilya.

Ipinagmamalaki pa din ng babae ang kaniyang asawa na ama ng kanilang 3 anak.

Sa ganitong paraan nasusubok ang mga babaeng hindi bumabase sa pisikal na kaanyuan ng kanilang minamahal. Ang tunay na pagmamahal din ay hindi basehan sa panlabas na hitsura lamang.

Nawa’y sa mag-asawa na ito ay ulanan pa kayo ng mga biyaya, maging matatag at maging isang halimbawa ng masayang pamilya.