Matatandaang noong Setyembre 4, 2020 nang pumanaw na ang iniidolong vlogger ng masa na si Lloyd Cadena na kung saan dumurog sa mga puso ng kaniyang fans at subscribers.

Kung mahirap para sa mga taga suporta at kaibigan na tanggapin ang katotohanan, ano pa kaya sa kaniyang ina na si ‘Mother Kween’

Sinabi niya sa kaniyang panayam na “Wala na tayong magagawa dahil hiram lang naman si Lloyd. Hiram ko lang naman si Lloyd”. Mahirap mang tanggapin ngunit kailangan niyang bumangong muli.

Dahil dito, siya ay nag gawa ng kaniyang YouTube Channel na kung saan mayroon nang 1.76 Million Subscribers. Ito ay ang Mother Kween Vlogs

Isang nakakakilabot na mga linya ang pasulpot sulpot sa kaniyang isang video na pinamagatang “ASK MOTHER KWEEN (ANONG MANGYAYARE SA YOUTUBE NI LLOYD?)” na kung saan nanghingi siya ng mga katanungan mula sa mga netizens at kaniya itong sasagutin.

Sa panonood ng video ay may tila boses na nanghihingi ng tulong. Si Lloyd nga ba ito? Narito ang mga oras na kung saan narinig ang nakakakilabot na tinig

6:39 “help”
6:45 “Kausapin moko”
6:48 ”Ma”
7:22”nahihirapan nako”

Samantala, madami naman ang nag komento na ito ay ang kalaban ng Diyos na kung saan nais paglaruan ang mga tao. Ang iba ay nagsasabi na kapag pumanaw ang tao, dalawa lang ang kaniyang pupuntahan at ito ay ang langit at impyerno.

Gayun pa man, sa puso’t isip ng masa, si Lloyd ay bumalik na sa piling ng may lalang ng lahat.