Alam naman nating lahat na hindi lahat ng celebrities ay mayroong kapwa celebrity na kasintahan o asawa.

Madalas ay mas pinipili nilang magkaroon ng non- showbiz partner nang sa gayon ay magkaroon sila ng sarili at pribadong buhay.

Hindi rin naman maitatanggi na ang mga nagiging kasintahan ng mga sikat na personalidad ay hindi lang basta- basta kung hindi mala artista din ang hitsura.

Si Alfred Vargas ay itinuturing na isa sa pinaka-gwapong lalaki sa industriya bukod sa kaniyang talento sa pag- arte kaya naman madami din siyang binibidahang tv shows at pelikula.

Siya ay nakapag asawa ng isang napaka gandang babae na sa unang tingin ay aakalain mong si Marian Rivera. Ang kaniyang asawa na may mala dyosang kagandahan ay walang iba kung hindi si Yasmine Espiritu- Vargas.

Siya ay half Italian half Filipina. Sa Italy siya lumaki at nakapag tapos ng fine arts.

Sila ay namumuhay nang masaya kasama ang kanilang tatlong anak na sina Alexandra Milan, Aryana Cassandra at Alfredo Cristiano.

Ayon kay Yasmine, isa daw siyang fan ng aktor bago pa sila magkakilala at maging magkasintahan, mayroon siyang mga posters nito sa kwarto at talaga namang sinusuportahan at pinapanood ang mga pelikula nito.

Taong 2010 nang magkaroon sila ng secret wedding sa Supreme Court.

Nagkakilala sila dahil sa kanilang common friend. Nangyari ito nang magbakasyon si Yasun sa Laguna at nagkataaon na mayroon ding show si Alfred doon.