Ang pagsasawalang bahala sa sakit na nararamdaman ay maaaring humantong sa isang panaginip na kailan man ay hindi mo na matatakasan.

Ika nga ng marami “prevention is better than cure” kaya nararapat lamang na kapag ikaw ay may nararamdamang kakaiba sa iyong katawan ay agad nang kumunsulta sa doctor upang ito ay maagapan.11

Isang mapait na kwento ang ibinahagi ng isang nars na ito sa Salford Royal Hospital Greater Manchester na nakilala bilang si Sette Burnaventura, 26 taong gulang.

Inakala niyang ito ay pang karaniwang sakit lamang ang sakit na nararanasan sa kaniyang binti dahil noon pa man ay ginagampanan na niya ang kaniyang trabaho bilang isang medical worker na kung saan 24 oras na nakatayo at palakad lakad sa ospital sa loob ng 7 araw.

Hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon na unahin ang kaniyang sarili o ipatingin ang kaniyang binti pagkat ayon sa kniya, inaalagaan naman din niya ang kaniyang sarili para makapag alaga din ng pasyente.

Hanggang sa dumating ang araw na dumanas siya ng napakasakit at sobrang hirap sa paglalakad kaya’t nagdesisyon siyang ikunsulta sa doctor.

Sumailalim sa test na tinatawag na MRI at doon napag alaman na siya ay mayroong “Sacroma” at ang bukol ay kasukat na ng isang golf ball.

Wala nang ibang pagpipilian ang nars kung hindi ang ipaputol ang binti nito . mabawasan man siya ng parte ng kaniyang katawan, masaya pa din siya sa kaniyang trabahong nagampanan.