Bakit ka nag tatrabaho? Maaaring para sa pamilya, sarili at mga luho. Hindi habang buhay ay mayroon kang trabaho kaya naman kinakailangan mo nang magpundar ng mga ari- arian na iyong mapapakinabangan at maipagmamalaki dahil galing ito sa iyong pinag hirapan.

Isang mapait na karanasan ang inabot ng OFW worker na si Marita Esseler nang bigla niyang malaman na ang kaniyang mga sasakyan ay naibenta na at kamuntik- muntikan na ding ibenta ang kaniyang ipinundar na bahay ng kaniyang pinag kakatiwalaang caretaker sa Pampanga.

Hindi naman nab ago kay Maria ang kaniyang caretaker dahil noon pa man ay napag kakatiwalaan na niya ito sa kaniyang mga pagmamay- ari at mga pera. Hindi niya sukat akalain na gagawin ito sa kaniya ng caretaker.

“Ang dami ko na napadalang pera medyo ninenerbiyos na’ko. Later on, sabi ko, ‘Bakit parang kulang na ang pinapadala niya sa’king mga resibo, hingi na ng hingi ng hingi ng pera,” saad ni Esseler.

Noong una ay hindi niya na ito pinansin hanggang sa nagulantang na lang siya nang napag alaman niyang ibinebenta na ang kaniyang bahay na nag kakahalaga ng Php 5 million! Sa katunayan ay nakahanap na ang caretaker ng buyer na handang magbayad ng ganoong halaga.

January 2020 pa sana ang uwi ni Marita para mag bakasyon ngunit nagdali- dali na siyang bumalik sa Pinas upang mailigtas pa ang kaniyang bahay nakipag ugnayan siya kay Police Capt. Leopoldo Cajipe na director ng CIDG- Angeles City. Nag sagawa sila ng tinatawag na entrapment operation.

Walang kaalam- alam ang caretaker na nasa Pilipinas na si Marita Esseler at alam na ng mga pulis ang mangyayaring transaction.

“Noong natapos na yung transaction nila dun sa loob, ‘yun pumasok na kami. ‘Dun na namin nakita ‘yung mga pekeng documents, at the same time, ‘yung marked money natin,” sabi ni Cajipe.

Nang hulihin ay nakita ang mga pekeng papeles na may pekeng pirma ni Esseler. Napag alaman din na naibenta na ang mga sasakyan nito. desidido si Marita na sampahan ng kaso ang caretaker.

Sa kasalukuyan ay patong patong na ang kasong kinakaharap ng caretaker.

Source: ABS-CBN News