Makikita sa mga larawan na ito na matyagang nag-aaral ang mag-aama sa ilalim ng liwanag na nagmumula lamang sa isang streetlight kung saan ay katabi lang din ang maliit nilang bahay.

Ayon sa mismong nagpost na si Athan Lucero ang kanyang kapitbahay na nasa larawan ay isang ama na single parent na kinilalang si Rolando Eugenio, mag-isa nitong itinataguyon ang kanyang tatlong anak at sinisikap na makapag-aral ang mga ito.

Sa maliit niyang kinikita sa pagwawalis sa kalsada hindi nito umano kaya magpakabit ng kuryente o bumili man ng mga gadget kaya naman matyaga niyang pinagtitiisan ang liwanag na mula sa katabi nilang poste na may ilaw.

 

Ayon pa kay mang Rolando ay imposible rin na maibigay niya ang mga gadget na kailangan ng kanyang mga anak para sa school.

Ngunit sa kabila nito ay pangarap niya na makapag-aral ang kanyang mga anak, kaya lahat ng paraan ay gagawin niya matulungan lang ang mga ito kaya kahit ang street light lamang na galing sa poste ay malaking tulong na para sa kanilang mag-aama.

Dahil sa iponost ng kanilang kapitbahay, maraming mga netizen ang naantig sa kwento nila mang Rolando maging ang ilang malalaking news network ay ibinalita din ang kalagayaan ng mag-aama na nakakainspire.

 

Sa panayam ng programa ng GMA News, 24 Oras kay mang Rolando, sinabi nito na ang kanyang mga anak ay sinasama niya sa kanyang trabaho para doon gumawa ng aralin sa tulong din ng kanyang amo na nagpapagamit sa kanila ng internet na walang bayad.

“Ang ginagawa ko po sa araw, dinadala ko po sila sa may ano ko po, sa may trabaho ko, dun po sila nag-aaral online po, tinutulungan po sila ng amo ko, libre po.”

“Pagdating naman po ng gabi, dito na kami, ganito na po ang sitwasyon namin.” Kwento ni mang Rolando.

Si Mang Rolando ay isang streetweper sa Brgy, Immaculate Concepcion sa Quezon City siya ay 54 anyos na at isa ng biyudo matapos pumanaw ang kanyang misis dahil sa isang karamdaman.

Halos mangiyak-ngiyak naman si Mang Rolando ng ikwento nito ang kanilang napakahirap na buhay, ayon sa kanya ang maliit niyang kinikita sa pagwawalis ay pinagkakasya nila sa pang araw-araw nilang pangangailang mag-aama.

Dagdag pa niya na madalas raw silang mangutang para lang pandagdag sa kanilang pang-araw araw na kinakain.

Pangarap ni mang Rolando sa kanyang mga anak ay makapagtapos ng pag-aaral para sila ay makaraos sa hirap at maging maayos ang kanilang kinabukasan dagdag pa niya na para hindi sila dumanas ng kahirapan tulad ng pinagdadaan niya ngayon dahil hindi siya nakapagtapos.

Kaya naman lahat ay ginagawa ni tatay Rolando nagsisikap siya para matustusan ang pangangailangan ng kanyang mga anak at nakakatuwa naman na masisipag at pursigido ang mga ito sa kanilang pag-aaral.

Ayon sa panganay ni tatay Rolando sila raw ay lumalabas ng bahay sa gabi kapag nag-aaral at nagsusulat, at sa tuwing sila naman ay papasok na sa loob ng bahay at isasara ang pinto ay gumagamit sila ng kandila para sila ay nakakapag-aral pa din.

Labis-labis ang paghanga ng kanilang kapitbahay sa pagtyatyaga ng mga anak na ito ni mang Rolando, Kaya naman ang isa sa kanila ay nainspire at ipinost sa social media ang mga larawan ni mang Rolando kasama ang tatlong anak habang nag-aaral sa labas gamit ang ilaw na mula sa poste.

“I was touched by my neighbor, isang amang street sweeper walang katuwang sa buhay ang nagtuturo sa kanyang anak. Nagtitiis sa ilaw lang ng street light para lang turuan ang kanyang anak sa kanyang module.”

“Yes they don’t have electricity power yet they continue studying. That’s why I do believe that whatever ever your status in life is “Hindi hadlang ang kahirapan para hindi makapag tapos ng pag-aaral.” There’s no excuses to gain knowledge.” Pahayag ng kapitbahay ni mang Rolando na nagpost sa social media.

Matapos mag-viral ang larawan at hangaan ng maraming netizen ang kwento ni tatay Rolando, marami ang nagbigay ng tulong sa pamilya nito. Labis naman ang pasasalamat tatay Rolando sa mga nagpadala ng tulong para kanilang mag-aama.

Sanay ay tularang ng marami ang kwento ni tatay Rolando na kahit naging hadlang man ang kahirapan sa kanyang pag-aaral noon ay hindi nya papayagang maging hadlang ulit ito para naman sa kinabukasan ng kanyang mga anak.

Dahil para kay tatay Rolando ang edukasyon ay ang susi sa magandang kinabukasan ng isang tao at hindi magiging hadlang ang kahirapan para hindi makapag tapos ng pag-aaral. Saludo kami lahat saiyo tatay Rolando ! Mabuhay po kayo!