Ang pagkakaroon ng magandang itsura ay isang malaking tulong para tumaas ang ating confidence sa sarili at isa rin itong magandang asset sa ilang trabaho tulad nag pag-aartista o model.

Ngunit isang balita ang gumulantang social media tungkol sa isang model na dahil sa sobrang kagwapuhan ay pina-deport sa Saudi Arabia.

Siya si Borkan AI Gala ang napabalitang mula UAE ang pinadeport sa isang festival na ginanap sa Saudi Arabia sa Riyadh. Kasama niya ang tatlong lalaki na dahil daw sa sobrang gwapo o “Too handsome” ay pinaalis sa naturang lugar.

Ayon sa isang local news natakot daw ang opisyales ng naturang festival na baka daw mahulog ang mga babaeng bisita sa kagwapuhan ni Borkan at ng kanyang 3 kasama kaya naman napagdesisyunan na ipa-deport ang mga ito sa Abu Dhabi.

Ang tatlo pang lalaki na sinasabing pina-deport ay inaresto ng mga pulis na mula sa religous police force na Mutaween.

Ang lugar ng Saudi Arabia ay kilala sa pagiging conservative islamic nation na nagpapatupad ng maraming batas at policy sa mga kababaihan dito.

Ang isa sa mga Batas dito ay ang pagpapanatiling naka cover ang kanilang itsura at katawan, bawal din sila makipag-usap sa mga lalaki na hindi naman nila kamag-anak.

Sinagot naman ni Borkan sa kanyang Facebook page ang napablitang pagpapadeport sa kanya sa UAE.

“This is what written in newspaper in over the world  UAE men ordered to leave Saudi Arabia for being too handsome” at naglagay ng link ng Streamlux site.

Ang awtoridad ng Saudi Arabia ay naglabas din ng kanilang pahayag ukol sa balita, ayon sa kanila hindi nila inutusan ang mga ito na umalis sa bansa kundi sa naturang festival lamang.

Si Borkan ay maraming followers sa Facebook kaya naman marami ang mga updated na fans sa mga nangyayari sa kanya. Siya ay isang Aktor, Photographer at isang poet mula Dubai.

Noong nakaraang taon lamang si Borkan ay hinirang na “Pinaka-gwapong Lalaki sa buong mundo”.

Isa itong malaking achievement dahil dito lalong magiging malaki ang iyong confidence sa sarili at makakatulong naman ang malaking confidence sa sarili sa pagiging positive sa ating buhay.