Isa si Jed Madela na maituturing na succesful singer dito sa ating bansa, dahil simula ng siya ay tanghaling kampeon sa World Championship of Performing Arts ay nagsunod-sunod na ang kanyang magadang karera sa pagkanta dito sa ating bansa maituturing din na isa siya sa pinakamahusay na mang-aawit sa bansa.

Sa kabila ng tagumpay ni Jed masaya niyang ipinakita ang mga bunga ng kanyang pagsusumikap na maabot ang ganitong klaseng pamumuhay.

Mula mismo sa video ng Star Magic Youtube Channel, ipinasilip ni Jed sa publiko ang kaniyang napakagandang bahay.

Ayon sa singer hindi niya lubos na maipaliwanag ang labis na kasiyahan na kanyang nararamdaman, sa tuwing masisilayan ang bunga ng kanyang pinaghihirapan noon na siyang unti-unting naabot ngayon.

“This has been like the fruits of my hard work for the past, how many years? I`ve been in the business for more than 15 years. Ang sarap lang sa pakiramdam na may napupuntahan yung pinag hirapan mo”.

Ipinakita ni Jed sa mga viewers at inilibot sa kanyang buong bahay mula living area, dining area at kitchen. Ngunit isa sa ipinakita ni Jed sa publiko ay pinaka-paborito niyang lugar sa kanilang bahay ito ay ang prayer area.

“Nagpagawa kami ng altar dito. This is a new part of the house. Wala ito nung binili namin yung bahay and isa sa favorite spots ko ito, favortie area ko sa bahay ko ang parang prayer area namin.”

Ayon sa singer ang kanilang prayer room ang nagsisilbing source of peace nila dahil dito niya umano nakakausap ang Panginoon.

“Siguro dito ako nakakahanap ng peace and relaxation, and of course time for myself, time to meditate, time to say my prayers and talk to God”.

Ipinakita din ni Jed ang kanyang napakaraming Funko collection na talagang pinagawaan niya ng sariling kwarto ang mga ito.

“Sa mga nagtatanong kailan ako nag-start mag collect ng Funko Pop, I started in 2018, siguro yun ang pinaka therapy ko, it reminds me of childhood. It reminds me of how simple things were when I was a kid.

Nakaka-nostalgic ng feeling na when I see toys it makes me happy, it makes me relax”.pahayag ng Kapamilya singer.

Mapapansin din sa mga collection Funko Pop ng singer ay mga Disney characters, ayon din sa kanya nung una ay pakonti-konti lang ang kanyang bili ng mga ito hanggang sa umabot sa libo-libong piraso.

Malayo na talaga ang narating ng Kapamilya singer ngunit ganon pa man hindi parin siya nakakalimot magpasalamat sa Poong Maykapal at tumingin sa kanyang pinanggalingan.