Maaaring may mga taong walang paki alam sa kanilang kapwa ngunit mas lamang pa din ang mga taong naaawa at nasasaktang makita ang ibang tao lalo na ang matanda nan a natutulog lamang sa lansangan at walang mauwian.

Dahil na nga sap ag usad ng panahon, hindi nanatiling nakakulong ang mga Pilipino kahit na may pandemiya. Kinakailangang kumayod upang makabawi at mabuhay kahit na delikado pa.

Isa nanamang larawan ang umiikot ngayon sa social media na kung saan isang loo na nag bebenta ng chicharon, balut at iba pang pagkain ang namataang natutulog sa tabing daan/ kitang kita ang pagod sa itsura ng matanda.

Hindi na alintana sa kaniya kung siya ba ay komportable sa kaniyang pwesto, basta’t siya ay makapag pahinga.

Ang concerned netizen na si Elizabeth Tan ang siyang nakakita sa matanda sa gilid ng daan sa may Pritil Tsoko papuntang Trinidad.

Saad niya, “Grabe, ako, naawa noong nag-deliver ako around Pritil Tsoko pa-Trinidad, 1 AM. Nakita ko si tatay na natutulog sa gilid, pagod na pagod kakalako ng tinda n’ya para sa pamilya n’ya. Naawa ako ng sobra kasi baka mamaya pagtripan siya.”

Pinaalala niya sa madla na makuntento at magpasalamat sa kung ano man ang mayroon tayo. Higit pa doon, inanyayahan niya din ang ibang mambabasa na kung makita man ang lolo na nasa litrato ay sana bihan nila ito.