Hindi malabong maraming kayamanan ang ibinaon sa lupa noong mga panahon na wala pa tayo sa mundong ibabaw pagkat iyon ang kanilang paraan upang maitago ang kanilang mga kayamanan.

Ibinahagi ng Israel Antiquities Authority ang hindi inaasahang pagtuklas sa isang lumang gusi na nilagyan pa ito ng pako sa gilid upang hindi gumalaw.

Isang kabataang volunteer ang nakatuklas nito habang naghuhukay sa isang excavation site kung saan planong itayo ang ilang kabahayan.

Saad ng excavation director na si Liat Nadav-Ziv, “The person who buried this treasure 1,100 years ago must have expected to retrieve it and even secured the vessel with a nail so that it would not move.

We can only guess what prevented him from returning to collect this treasure,”

Ang buong akala ng binata na si Oz Cohen, mayroon lamang kalat o mg nalagas na dahon ang kaniyang hinukay na lupa ngunit nang kaniyang tingnan muli ito, laking gulat niya na isa itong luang gusi na mayroong nakapaloob na sandamakmak na baryang ginto.

Aniya, “When I looked again I saw these were gold coins. It was really exciting to find such a special and ancient treasure,”

Ang mga 24- karat na barya ay may bilang na 425 piraso na may kabuuang bigat na 845 grams na pinaniniwalaang nagmula pa sa 9th century.

Hindi lamang basta basta ang mga baryang ito pagkat mayroon itong mukha ni Byzantine emperor Theophilos na talaga namang napaka bihira lamang ang mayroon.

Sa kasalukuyan, sinabi sa kanila na ang mga baryang iyon ay maaaring maging kapalit ng isang magarbo at malaking bahay sa Fustat na nooý Ehipto na itinuturing na mayamang kabisera noon.

Source: CNN