Kamangha-mangha ang isang pangyayari sa isang karagatan sa Mexico akala ng iba ay basura lamang ang nagtutupukan sa ilalim ng Gulf Mexico ngunit nang ito ay lapitan ay tatambad sayo ang sobrang daming Golden cownose rays.

Sinasabing ang mga golden cownose rays ay lumilipat ng mga bahay sa mga parte ng dagat na mainit-init, ito ay ginagawa nila ng dalawang beses sa isang taon.

Ang mga golden cownose sa Mexico ko ay naglilipat lipat sa Mexicos Yucatan patungong Western Florida.

Ang palipat lipat ng cownose ray na ito ay nangyayari lamang ng dalawang taon, kapag ang panahon ay tag-sibol ito ay matatagpuan sa hilagang dagat at kapag naman taglagas ay makikita ito sa timog ng karagatan.

Malayo rin ang nararating ng mga cownose ray na ito umaabot sila sa dulo ng karagatan ng Caribbean hanggang sa timog ng New England.

Ang lalong nakamamangha sa dito ay sa tagal-tagal ng panahon ay ngayon lang dumami ng ganito ang mga golden cownose ray sa paglipat ng kanilang tahanan na umabot ng 10,000 at isa pang nakakabilib dito ay nagmistulang mga ginto ang kulay ng tubig dahi lsa kanilang dami.

Ang mga cownose ray na ito ay napapabilang sa mga uri ng pating at hindi rin ito kinakain dahil sa taglay ng balat nito na sobrang kapal na parang goma.