Isa sa pinaka masakit sa isang magulang ay kapag nakita nitong nahihirapan ang kanilang anak. Maging simpleng sakit na ub0 at sip0n ay agad itong nag-aalala at natataranta.

Ngunit paano na lamang kung ikaw na magulang ay walang sapat na perang pang gastos sa araw araw maging sa pagpapagamot ng iyong anak?

Kay hirap isipin na hindi mo na halos malaman ang iyong gagawin at hindi mo matukoy kung gaano kalayo ang iyong mararating sa pag sasakripisyo alang alang sa iyong pamilya lalung lalo na para sa iyong anak.

Bilang isang magulang, hindi mo na magawang isipin ang iyong sarili pagkat ang tanging nasa isipan mon a lang ay ang kapakanan ng iyong anak.

Nitong nakaraang Enero 3, 2020 naganap ang isang pag nanakaw sa isang Botika sa Rite Aid, Ogontz Avenue Upper Northern Philadelphia.

Sa tulong ng CCTV, natukoy ang itsura ng magnanakaw na may mapayat na pangangatawan, nasa 5’10 ang tangkad, nasa edad 30-40. Makikitang siya ay may suot na hoodie, salamin, gloves, sombrero at may bigote.

Ang unang kaniyang ginawa ay kumuha ng gamot saka nagpunta sa cashier. Imbis nap era ang kaniyang inabot, nagbigay siya ng isang sulat na kung saan nakalagay ay “Gove me all the money. I’m sorry. I have a sick child. You have 15 seconds”

Dahil sa sobrang takot na nadama ng cashier ay sinunod niya na lamang ang lalaki. Pagka abot ng pera ay agad namang umalis ang lalaking ito.

Sa tulong ng Philadelphia Police Department sa Northwest Detective Division, naipost ang CCTV Footage ng naganap na pagnanakaw.

Umaasa sa tulong ng publiko kung sakali mang mamataan ito ng masa ay agad makipag ugnayan sa mga pulis upang mahuli ito.

Sa kabilang banda, marami ding netizens ang naawa sa sitwasyon ng lalaki at ng kaniyang anak kung sakali man ito ay totoo.

Gayun pa man, kahit saang anggulo mo tingnan, mali ang paraan na ginawa ng isang ama. Lalo niya pa pinahirap ang sitwasyon nilang pamilya.