Umiikot ngayon sa social media ang larawan ng 15 taong gulang na bunso ni Ruffa Gutierrez na si Venicev Bektas o Venicia Loran- Bektas na talaga namang walang kaduda- dudang ang kanilang pagkakamukhang mag –ina.

Base sa paningin ng iba, sumasalamin daw ang mukha ni Venice sa kaniyang ina noong kabtaan pa nito ng mga panahong “Love Thy Woman” star pa ito.

Matagal nang hiwalay sa asawang si Yilmaz Bektas na isang business man sa Turkey si Ruffa Gutierrez, gayun pa man nagkaroon sila ng dalawang magagandang supling na talaga namang hindi nila pinag sisihan.

Si Ruffa mismo ang nag post sa kaniyang Instagram Account ng larawan ng kaniyang bunsong si Venice. Nais niya na manatili na lamang itong bata at hindi na tumanda pa. Caption niya, “My youngest is growing up so fast! @venicebektas. Stay little.”

Ipinost din ni Venice ang kaparehong larawan sa kaniyang sariling IG Account na umabot naman sa 26,551 likes sa kasalukuyan.

Taong 2004, September 11 nang ipanganak si Venice sa Cedars-Sinai Hospital sa Los Angeles, California. Sa murang edad ay tila parang dalaga na nga kung pumustura kaya naman hindi na mapag hahalataan na siya ay 15 anyos pa lamang.

Samantala noong Agosto 3 naman ay binati naman ni Ruffa ang kaniyang panganay na anak na si Lorin sa kaniyang kaarawan at sinabing

“To my beautiful firstborn, Lorin. Here’s wishing you a birthday that is as beautiful, incredible, and unique as you are. Always stay focused, study hard and don’t accept suitors yet.

LOL. I love you to the moon and back,”