Sa lumipas na panahon, madami na ang nagbago sa ating pamumuhay. Umiiral na ngayon ay ang mga odernong teknolohiya na kung saan ginagamit na ng buong mundo upang magkaroon ng koneksyon sa isa’t isa.

Napapadali ang ating mga Gawain maging ang pag hahanap ng mga kung ano- ano pa.

Hindi lahat ng tao ay nabibigyan ng pagkakataong makapag alaga ng mga hayop. Maaaring ang mga tao ay makakapimili ng kanilang aalagaan ngunit ang mga hayop ay hindi makakapamili ng kanilang magiging amo.

Paano na lamang ang mga hayop kapag naulila o naligaw ang mga ito.

Apat na taon ang lumipas bago muling magkita ang aso na si Bonbon at ang kaniyang mga amo na sina Nang Noi Sittisam at kanyang asawa. Taong 2015 daw noon buwan ng Pebrero 16, nang bisitahin nila ang kanilang anak na si Khon Kaen

Nagpagtanto lamang nila na nawawala ang kanilang alaga na si Bonbon noong sila ay nakauwi na sa bahay.

Marahil ang nangyari sa pagkawala ni Bonbon ay noong nag stop over sila sa isang gasolinahan habang nag aantay ng go signal ng stoplight, marahil ay tumalon ang alagang aso sa bukas na bintana na hindi nila namamalayan

Sinubukan nilang hanapin ang kanilang alaga ngunit walang naging balita sa paglipas ng panahon.

Isang babaeng nag ngangalang Saowalak ang nakapansin sa aso at nagmagandang loob. Ayon sa kaniya, panay niya daw napapansin ang aso sa gilid ng daan na tila may hinahantay.

Makikitang buto’t balat na lamang ang aso kaya naman palagi niya din itong dinadalhan ng pagkain.

Hanggang sa lapitan si Saowalak ng isang netizen at tinanong ang ilan pang mga detalye. Doon ay nagsimulang ipost sa social media at kumalat ang larawan at kwento no Bonbon.

Sa wakas, pagkatapos ng 4 na taon ay natagpuan din nila Nang Noi ang kanilang alagang aso.