Sumikat at nakilala sa buong mundo ang isang aso na nag ngangalang Hachiko mula sa bansang Japan dahil sa taglay nitong katapatan at pagmamahal sa kaniyang amo na pumanaw na dahil sa sakit.

Sampung taon ng buhay ni Hachiko ay iginugol niya sa pagbalik- balik sa isang istasyon ng tren, nagbabakasakaling muling makikita ang kaniyang amo.

Ang mga aso ay matalik na kaibigan ng mga tao. sila ay mayroon ding pusong mapagmahal at kayang makaramdam ng lungkot.

Dito sa ating bansang Pilipinas, madami ang mga aso sa kalye na hindi natin inaakalang may malalalim na istorya pala.

Bumilib ang ang netizen na si Emma Teoxon at ang kaniyang kasintahan sa pinagdadaanan umano ng isang aso na matiyagang nag aantay sa labas ng Valenzuela General Hospital, Valenzuela City.

Laking gulat nila nang lapitan nila ang aso pagkat ito ay maamo at nagpapahawak. Sa katunayan, kumakawag pa ang kaniyang buntot na tila masaya siyang nahahawakan ng tao.

Ang kapit bahay nila Emma na isang hospital staff ang nag kwento na limang araw na daw ang lumipas nang kuhanin ng isugod sa ospital ang amo ng aso dahil sa inåtake ito sa püso.

Sinundan ng aso ang ambulasya na halos hindi na ito makahinga kaya pinasakay na ng driver ang aso ngunit hindi pinapasok sa loob ng ospital.

Mula noon ay nag- aantay sa labas ang asong ito at walang kaalam alam na pumanaw nap ala ang kaniyang amo. Dagdag naman ng isang nagtitinda ng isda, minsan daw ay nawala ang aso na malamang ay kinuha ng kamag- anak ng kaniyang amo ngunit bumalik pa din ito upang mag- antay.

Mabuti na lamang at mayroong mga taong napapadaan doon at binibigyan si doggy ng mga makakain at masisilungan.

Tunay nga na ang mga alaga nating aso ay labis labis ang pag poprotekta at pagmamahal na ibinabalik sa atin.