Ang lahat ng magulang ay nag nanais na maibigay ang kanilang “best” para sa kanilang mga anak lalo na sa mga bagay na kailanman ay hindi kayang manakaw kagaya ng pag- uugali at karunungan.

Sabi nila, mas mabuti daw turuan ang mga bata sa murang edad pa lamang dahil mas madali nila itong na- aadopt sa kanilang paglaki.

Sa modernong panahon, karaniwan sa mga bata ay nagsasalita na ng Ingles dahil sa kanilang mga pinapanood o hindi kaya man ay tinuturuan at kinakausap ng dayuhang lenguahe sa bahay.

Samantala, mayroon naman ding mga tao na hindi pabor sa pagtuturo ng ingles sa mga bata pagkat ang ating pangunahing lenguahe ay “Filipino o Tagalog”. Ngunit hindi naman din basehan ang lenguahe upang mahusgahan ang inyong katayuan, estado at talino.

Makikita sa usapan ng dalawang ina na tila kinukwestyon ng isa ang pagtuturo umano ni MJ sa kaniyang 2 taon na anak na si Bryzen ng Ingles.

Ayon sa babae, hindi naman daw pala mayaman sila MJ para pagsalitain at turuan ng Ingles ang anak nito.

Saad niya, mahihirapan lang daw makipag communicate ang bata kapag Ingles ang natutunan. Ipinagmalaki niya din ang paraan ng kaniyang pagiging magulang na kung saan Tagalog ang kinalakihang lenguahe ng kaniyang mga anak pagkat ayaw niya daw itong maging maarte katulad ni MJ.

Sa kabilang banda, dinepensahan naman ni MJ ang kaniyang pagiging ina kay Bry dahil una sa lahat, ito ay ang kaniyang choice at hindi naman daw niya minamadali ang pagtuturo sa anak pagkat pag dating ng panahon na kung saan mas malawak na ang kaniyang pang intindi ay tuturuan naman din daw nila ito ng Tagalog.

Dagdag pa niya, huwag daw siyang matawag tawag na “beshy” pagkat hindi naman daw sila mag bestfriend at hindi naman sa pera nababase ang pag sasalita ng Ingles ng mga bata kung hindi nasa pagpapalaki ng magulang.

Dala ng edad ni Bryzen, hindi naman daw dapat ito binibigla sa mga bagay na dapat matutunan pagkat ito ay dalawang taon pa lamang.

Slow learner man daw ang kaniyang anak ngunit ang mahalaga ay mayroon itong natututunan.

“But everyday naman natututo siya at magugulat ka na lang sa lumalabas sa bibig niya. Nasa magulang ang tiyaga sis.

Kapag may tyaga may nilaga. Huwag mong sabihin na maarte ang mga bata, natural yan sa bata.

Lalo na pag mga babies pa. ofcourse they being maarte due to the attitude of the guardians din siguro or if how you treat them nasa magulang kung paano mo sila palakihin, wala namang perpektong magulang. But you need to give your best para sa mga anak mo at magiging anak mo pa.”

Source: Facebook