Madalas pinatatalunan ang mga sinasabing dapat lamang na irespeto ng mga lalaki ang mga babae. Ngunit hindi lahat ng lalaki ay sang ayon dito pagkat sila ay tao din na kinakailangan ng respeto.

Paano na lamang kung ang babae ang nambastos at nang insult, nararapat pa ding bang hindi aksyunan?

Kagaya na lamang ng isang eskandalog nangyari sa isang bus na kung saan dinuraan ng isang ginang ang nakasagutang lalaki sa loob ng pampublikong sasakyan.

Sa kasalukuyan ay nilalabanan ng buong mundo ang Covid na kung saan wala pa ding gamot o bakuna. Kaya naman pinayuhan ang lahat na magsuot ng face masks at face shield pati na din ang social distancing

Samantala, mapapanuod sa video na ang ginang ay nakatayo sa isang bus na walang kahit na anong suot na face mask.

Maririnig na mayroon siyang nakasagutang lalaki at ilang sandali pa ay hindi nag dalawang isip ang ginang na duraan ang lalaki.

Ngunit mas nakakabigla para sa lahat nang bigla na lamang tinulak ng lalaki papalabas ng bus ang ginang na nandura sa kaniya hanggang sa ito ay natumba.

Madami ang umawat sa lalaki sa kaniyang ginawang pagtulak sa ginang ngunit sa delikadong panahon ngayon, bukod sa kawalan ng respeto na ginawa ng ginang, ang laway ay isa sa maging dahilan ng pagkalat ng vîrus sa iba.

Samantala, mayroon ding mga tao ang tumulong sa ginang na napatalsik sa labas ng bus.