25Dumulong kay sir Raffy Tulfo para humingi ng tulong ay si Alberto Frio na 69 years old para ireklamo ang kanyang naging karelasyon ng halos 4 na ton na si Ronelyn Solis 29 years old.

Ayon sa kwento ni Alberto, sa apat na taon na kanilang relasyon ay sinusuportahan nito si Ronelyn sa pinansyal at pinakikitunguan niya ito ng mabuti kahit pa 3 beses na umano niya ito nahuling may lalaki.

Pinatawad niya ito at nagkabalikan silang muli ngunit ayon kay Alberto ay muling inulit ni Ronelyn ang pangangaliwa at ngayon nga ito ay nabuntis ng ibang lalaki.

Samantala, ayon kay Alberto ay mapapatawad niya pa rin si Ronelyn sa kabila ng kanyang ginawa basta siya ay bumalik lamang ngunit tumatanggi naman si Ronelyn na makipagbalikan.

Dagdag pa ni Alberto na kapag daw hindi bumalik sa kanya si Ronelyn ay mahihirapan itong bawiin ang lahat ng naibigay nito.

Nang ito ay marinig ni Raffy tulfo agad nitong sambit na marami na daw lumapit sa kanya na tulad ni Alberto na matandang lalaki na humihingi ng tulong na mabawi ang mga naibigay nito sa karelasyon.

Ngunit sa mga kasong yon ay nagsasama sila sa i-isang bahay kaya namam entitled ang babae sa kalahati ng kanilang property at perang naibigay ni Alberto.

Kwento n Alberto na, Kamakailan lamang ay ibinalik ni Ronelyn ang kanyang ATM card ngunit inubos nito ang laman.

Sinabi naman ni Raffy Tulfo na kung ibinigay ng maayos ang ATM at PIN nito hindi na ito mababawi pa mula sa bangko dahil legal ang pag-withdraw ng pera.

Kung ibinigay mo ang ATM Card mo na walang ginagawang kasulatan kung hanggang magkano lang ang i-wi-withdraw mo dito ay parang sinabi mo na rin na kahit ubusin mo pa ang laman nito. Dagdag pa ni Sir Raffy.

Kwento naman ni Ronelyn, isa siyang balut vendor ng sila ay magkakilala ni Alberto nagsusumikap siya noon na magtrabaho para umasenso.

Sinabi rin niyang ginamit niyang pampatayo ng bahay ang napanalunan sa Casino.

Inamin naman niya na ang ginamit na capital sa paglalaro sa Casino ay mula kay Alberto.

Tumanggi naman na tulungan ni Sir Raffy si Alberto dahil alam niya na ang paglalaro ng sugal sa Casino ay pagtatapon ng pera.

Dagdag naman ni Alberto na umabot ng halos 4 million ang naibigay nito kay Ronelyn ngunit 300,000 lang ang naibalik nito at nabayaran ng installment.

Ayon kay Ronelyn ay wala na daw siyang pera at trabaho dahil di-umano at buntis ito ng 6 na buwan.

Ang gusto lang daw ni Alberto na mangyari ay maibalik sa kanya ang pera kahit 1million lamang.

Ang payo naman ni Sir Raffy ay maaring dalhin na lang ito sa korte dahil walang pambayad si Ronelyn.