Sandamakmak na ang mga taon na lumipas at mga kasaysayang naganap bago pa tayo mabuhay sa mundong ibabaw. Mga kaganapan na hindi natin nasaksihan.

Mga kwento at haka-hakang walang kasiguraduhan kung may katotohanan. Kaya naman ganoon na lamang ang ating pagkagulat kapag nakakatuklas tayo ng isang bagay o pang yayari na lingid sa ating kaalaman.

Ang pagkakaroon ng sariling lupa at tahanan ay isang napakalaking tagumpay na makakamit antin sa ating buhay. Ngunit paano na lamang kung may itinatagong misteryo ang bagong pag- aari mo?

Ganoon na lamang ang kilabot na naramdaman ni Ericka Karner nang mag desisyon siyang magpa-renovate ng kaniyang bahay sa San Francisco California, United States.

Nang sinimulan na nga ang pagbabaklas at paghuhukay ng mga construction workers, lahat sila ay nagulat nang makita ang isang maliit na kaba0ng na ang laman ay sanggol.

Base sa ulat ng NTD Television, hindi pa din malinaw ang pagkakakilanlan ng sanggol kaya pinangalanan muna nitong “Miranda” pansamantala.

Lumipas ang madaming taon ng paghahalukay sa mga lumang records noong 1800’s ay sa wakas, natuklasan na nila ang sagot sa misteryo nito.

Ayon sa Garden of Innocence, isang Non-profit organization, sumailalim si Miranda sa DNA test at napag alaman na siya pala si Edith Howard Cook na anak ng mayamang mag- asawa.

Natuklasan din na siya ay 2 taong gulang at 10 buwan pa lamang nangsiya ay binawian ng buhay dahil sa s3vere maln0urishment Taong 1876, Oktubre 13.

Ngunit para kay Ericka, isa pa ding malaking katanungan kung bakit doon nakalibing ang sanggol. Isang nakakakilab0t na katotohanan na ang lupain na iyon ay dating Odd Fellows Cemetery.

Ngunit taong 1930 ay hinukay ang mga labi ng mga nakalibing doon at inilipat sa ibang sementeryo. Nangyari lamang na hindi natagpuan ang kabaong ni Editha at hindi ito nailipat.